5,997

Pusher na nanlaban todas sa Laguna cops, 6 timbog

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Metro
  • Read: 376

KAMPO Hen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna -- Patay ang isang kilalang drug pusher dito maka-raang manlaban umano sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Sto. Angel Central, Sta. Cruz, Laguna, noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Senior Supt. Kirby John Kraft, Laguna police director, kay Chief Supt. Edward Carranza, Calabarzon chief, ang napatay na suspek ay kinilalang si Rogelio Manas Aviles, alyas Jonjon, 50, ng naturang lugar. Pumayag umano ang suspek na magbenta ng shabu kapalit ng P1,000 dakong alas-3 ng umaga sa Sitio 6, Kapalaran Compound, ng naturang lugar.

Tumakbo papaloob ng bahay ang suspek nang makahalatang sinet-up siya ng kausap at pinaputukan niya ito subalit nag-mintis.

Nakipagpalitan ng putok ng baril ito hanggang sa mapatay. Pati ang refrigerator ng suspek ay tinamaan din dahil ginawa niya itong kublihan.

Nabawi ng mga pulis mula sa suspek ang 10 sachet na naglalaman ng shabu, isang cal. .38 revolver, tatlong pirasong open-ended transparent platic sachet, isang pirasong basiyo ng cal. .9mm pistol, isang improvised tooter, isang pouch na naglalaman ng 30 transparent plastic sachets ng shabu, isang Samsung duos, isang My Phone, isang silver wrist watch, apat na pirasong 10-peso coins, walong piraso ng P5 coins, 13 one-peso coins, isang P1,000 bill, isang P200 bill, 12 piraso ng P50 bills, tatlong piraso ng P20 bills, isang blue empty pouch, dalawang pirasong lighter, isang digital scale, isang gunting, isang rolled foil, isang necklace silver, isang motorcycle key, isang metal pouch, assorted jewelries at tatlong piraso ng P100 bills.

Samantala, sa katulad ding operasyon ay nada-kip ng mga pulis sina Michael Hernandez, 37, ng Purok 6, Bgy. Bigaa; at Mark Anthony Onelia, 32, ng Baraero Compound, Bgy. Kaingin, Sta. Rosa City, Laguna, alas 7 ng gabi; Francisco Pa-ngilinan, 59, ng Bgy. Pansol, Calamba City, isang Tokhang surrenderer; Roy Dan Hernandez, 46, ng Bgy. Alisan, Nasugbu, Batangas; Mark Andrew Revi, 23, ng Bgy. Bayog, Los Baños, Laguna; at Marcelo Lopez, 33, ng Bgy. Calo, Bay, Laguna, na nadakip alas-9 ng gabi sa Bgy. Pansol, Calamba City.