5,012 guests

Pulis sinapak ng lasing

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 219

SABOG ang nguso ng isang pulis matapos sapakin ng lasing na lalaki na una niyang pina-kiusapang hinaan
ang volume ng videoke kamakalawa sa Malabon City.

Kaagad na nagpadala sa pagamutan si PO3 Michael Cunanan, 36, nakatalaga sa Manila Police
District-District Public Safety Battalion (MPD-DPSB), upang kumuha ng medical certificate para gamitin
niya sa paghahain ng reklamo laban sa suspek na kinilalang si Billy Jean Santiago, ng 17 Mallari St.,
Bgy. San Agustin, na mabilis tumakas.
    
Sa imbestigasyon ni PO2 Aaron Blanco ng Ma-labon police, 7 p.m. nang bumaba ng bahay si PO3
Cunanan upang makiusap sa mga nag-iinuman sa kanilang tapat na hinaan ang volume ng videoke.
    
Si Santiago umano ang pinakiusapan ni Cunanan subalit sa halip na tumugon ay nagpakawala ng
isang malakas na suntok na tumama sa nguso ng pulis.