5,868 guests

Pugante ng QC jail tinutugis ng pulisya

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 165

Tinutugis ng pulisya ang isang preso na nakatakas sa Quezon City Jail kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Insp. Xavier Soldasa, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang pagpuga ni JR Manangquil, 18, binata, ay natuklasan dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Sinasabing umakyat si Manangquil, na may kasong carnapping at illegal possession of firearms, sa paikot na hagdan at dumaan sa pader na tila ‘Spider man’ hanggang sa malayang makatakas na hindi namamalayan ng mga jail guard.

Base sa rekord ng BJMP, si Manangquil ay nakulong sa Quezon City Jail nu’ng Dec. 7, 2017.

Sa ngayon ay ipinag-utos na ni  BJMP Metro Manila director Chief Supt. Dennis Rocamora ang malawakang paghahanap kay Manangquil.
    
Masusi na ring iniimbestigahan ng mga awtoridad kung bakit walang nakapansin sa pagpuga ni Manangquil.
    
Tiniyak ni Dir. Rocamora na may mananagot sa kanyang mga tauhan na nagkaroon ng kapabayaan.