Preparasyon ng Maynila sa paparating na supertyphoon nakalatag na

September 14, 2018

HANDA na ang frontline services ng lungsod ng Maynila, kabilang dito ang MDRRMO, Manila Department of Social Welfare, Manila Health Department, Eng’g. Department of Public Services, MPD, BFP at nga NGOs sa inaasahang emergency na  idudulot ng supertyphoon na si “Ompong” na anumang oras ay mana-nalasa sa bansa.

Ayon kay  Mayor Joseph  Erap Estrada, nai-handa  na ng mga opis-yal ng mga barangay, city disaster management, Manila dswd ang relief operations at posibleng paglikas ng mga residenteng nasa peligrong lugar.

Handa na rin ang mga pagkain at gamot para sa mga evacuation center sa Baseco, Delpan, at Delpan Sports Complex.

Pinakilos na rin ng alkalde ang mga barangay officials na paalala-hanan na ang mga residente sa kanilang nasasakupan upang mati-yak ang zero casualty sa lungsod kahit may kalamidad.

Gagamitin namang alternatibong evacuation ang Corazon Aquino High School sa Baseco, Vicente Lim Elem. School, Almario Elem. School, Villegas High School sa Vitas at ma-ging covered court sa  Bgy. 105, mga health center na may mga ga-mot na maaaring makuha ng mga residenteng ililikas.

Tagged Under