7,271

Pizza crewman itinumba sa QC

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 158

Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang lalaki matapos na resbakan umano ang nambato sa kanya
Lunes ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima na si Zaldy Balolot Palaca, 28, binata, pizza crew ng Aaliyah, at stay-in sa 27
Dr. Villa Real St., Bgy. Gulod, Novaliches, ay namatay noon din sanhi ng tinamong maraming saksak sa
katawan.
    
Sa inisyal na report ni PO3 George Caculba, ng CIDU-QCPD, ang pananaksak ay naganap dakong
1:25 a.m. sa harap ng Sweet Bheng Bakery sa 17 Villa Real St. ng nasabing barangay.
    
Batay sa pahayag sa pulisya nina Jonnel Lopez at Jordan Banlat, boardmate at kasamahan ng
biktima sa Aaliyah, duma-ting si Palaca at nagkuwento na may nambato sa kanya sa labas habang papauwi
siya.
    
Dahil sa hindi niya kilala ang nambato ay hinikayat ang dalawa na lu-mabas para kilalanin ang
salarin.
    
Pero naunang lumabas ang biktima upang resbakan ang nambato sa kanya at ilang minuto ay
sumunod na sina Lopez at Jonnel, subalit laking gulat nila nang makitang duguan at nakabulagta si
Palaca.
    
Agad nagpasaklolo ang dalawang kasamahan ni Palaca sa mga tanod ng barangay na siyang nag-
report sa pulisya.