Obrero kinatay sa harap ng misis!

November 05, 2018

PINAGSASAKSAK hanggang sa mamatay ang isang construction worker sa harap mismo ng kanyang asawa makaraang sitahin nito ang tatlong kasamahan  na basta na lamang nakisali sa kanilang inuman sa Quezon City,

Dead on the spot ang biktima na si Joselito Llagas Velasquez, 42, at residente ng 309 Nawasa Road, Brgy. Pasong Tamo.

Agad nadakip ang magkapatid na suspek na nakilalang sina Archie Atenta Bacolod, alyas ‘Walo’, 19, binata, construction worker, at Jeric Atenta Bacolod, 25,  may asawa, habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Hector Nical Espina, 47-anyos, constirction worker, pawang naninirahan sa  No. 255 MacArthur St., Brgy. Pasong Tamo, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Anthony R. Tejerero, ng CIDU-QCPD,  ang krimen ay naganap dakong alas-9:45 ng gabi (November 4) sa harap ng tahanan ng biktima.

Masaya umanong nag-iinuman ang biktima at ang misis niyang si Maryjane, at iba pang mga kaibigan nang dumating ang suspek na si Archie at walang sabi-sabing basta na lamang umupo sa harap nila at tumungga ng alak.

Dahil dito ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek hanggang mapaalis niya ang huli subalit nagwika ito ng... “Hintayin mo ako babalikan kita! Humanda ka!.”

Makalipas lamang ang ilang minuto ay rumesbak si  Archie, kasama ang kapatid na si Jeric at kasama sa bahay na si Espina na pawang armado ng patalim at pinagtulungan saksakin ang biktima sa harap ng misis nito.

Nasamsam sa crime scene ang may pitong haba ng kustilyo na kahoy ang hawakan na ginamit sa pananaksak sa biktima.