Merchandiser nangdakma ng boobs ng resto exec, kalaboso

October 02, 2018

KALABOSO ang 27-anyos na binatang merchandizser makaraang pagtripan at panggigilan ang malusog na dibdib ng babaing manager ng isang restaurant kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Pauwi na ang biktimang itinago sa pangalang Arby, 31, manager ng isang Korean restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, at nakatira sa Bgy. 176, Bagong Silang, nang mangyari ang insidente 5:10 a.m.

Sakay ng isang pampasaherong jeep si Arby nang mapansin niya ang tila lasing na lalaking nakilala sa pangalang Genesis Sierra, ng 1521 Code Aurora St., Area A, Bgy. 175, Camarin, habang pasulyap-sulyap sa kanyang malusog na dibdib.

Nakahinga nang maluwag ang biktima at bahagyang naibsan ang kaba nang marinig niya ang biglang pagpara ng suspek sa Libis Road.

Gayunman, bago buma-ba ang lalaki, bigla nitong dinakma at piniga pa ang kaliwang dibdib ni Arby na labis na ikinasindak ng biktima.

Kaagad na humingi ng saklolo ang biktima sa mga tauhan ng pulisya na nagka-taong nagpapatrulya sa lugar at naaresto sa suspek na napag-alamang nasa impluwensiya pa ng alak.