127,621 guests

Mayor Erap, Amb. Zhao pangungunahan Chinese New Year revelry sa Maynila

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 173

ISA sa inaabangang pagdiriwang sa buong mundo ay ang napakakulay at engrandeng kasayahan ang Chinese
New Year, at ngayong taon, isang magarbong pagsasaya ang magaganap sa Maynila.

Sa lungsod, Pebrero 10 hanggang Peb. 14 ay ang pagtatayo ng Welcome Arch sa apat na pasukan
sa Binondo-Chinatown, at ang pagkakabit ng mga parol-Chinese sa kahabaan ng mga kalsada at
paglalagay ng adorno sa Plaza San Lorenzo Ruiz na pagdarausan ng sari-saring pagsasaya, exhibition
at pagtatanghal.
    
Ayon kay Manila Chinatown Development Council Chairperson at dating Kong. Naida Angping,
sisimulan ang pagbibilang sa pagsapit ng Bagong Taon, Huwebes, Peb. 15 sa Reina Regente St.  sa
tapat ng Lucky China Town Mall, at alas-10 ng gabi, sisimulan ang pasayahan ng Bamboo Rock Band at
iba pang mga sikat na personalidad.
    
Alas 12 ng hatinggabi, kasama ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, si Chinese Ambassador Zhao
Jianhua, mga kasapi ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc.
(FFCCCII) sa pamumuno ng pangulo nito, Domingo Yap at ng may-ari ng Mega World, Andrew Tan,
pipindutin ang buton ng dalawang kanyon na siyang hudyat ng pagsisindi ng fireworks display upang
salubungin ang Taon ng Earth Dog.