5,374

Magbiro ka na sa lasenggo, huwag lang sa ‘babaero’

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 295

ISANG jeepney driver na madalas biruin na babaero ang isang katulong ang sinaksak at namatay matapos silang magkainitan at magkasagutan noong Martes ng gabi sa Pasay City.

Si Rodel Francisco ng No. 10, MRS Apartment 103 Condominium, Bgy. 189 ay isinugod ng kanyang mga kamag-anak sa San Juan De Dios Hospital na kung saan ay idineklara siyang ‘dead on arrival’ bunsod ng sugat mula sa saksak sa kanyang likod.

Ang pumaslang sa biktima ay kinilalang si Gero De Asis, 32, residente rin ng MRS Apartment, at naaresto ng mga rumespondeng mga barangay tanod na tinawag ng mga taong nakasaksi sa insidente.

Sinabi ni Lucille, 22, live-in partner ng biktima, kay Pasay police chief Senior Supt. Noel Flores, na binibiro ng kanyang partner ang suspek na ikinagalit ng huli na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, bumunot ng patalim ang suspek at dalawang beses na sinaksak ang biktima sa katawan.