Mag-asawang tulak timbog sa QC buy bust

Sabay inaresto ng pulisya ang mag-asawang tulak ng iligal na droga sa buy-bust operation ng Batasan police sa Bgy. Payatas, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Joel Villanueva, hepe ng Quezon City Police Distirct (QCPD) Batasan Police Station 6, ang mga suspeck na sina Abdulkusari Omar, alyas Dingdong, at misis nitong si Myrna Cagaran Dia, 26, kapwa tubong Maguindanao at naninirahan sa 26 San Lorenzo Ruiz St., Bgy. Payatas, QC.

Base sa imbestigasyon, ang mag-asawa ay nagtutulak ng shabu sa kanilang mga parukyano kahit kaharap ang kanilang mga anak. Si Omar ay dati nang nasa drug watchlist ng QCPD-PS6.

Minanmanan ang suspek at nang makumpirma ay  agad ikinasa ng mga operatiba ng QCPD-PS6 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni Chief Insp. Sandie Caparoso ang buy-bust operation dakong alas-7:30 ng gabi laban sa mag-asawa, na nakuhanan ng mga sachet shabu at P500 buy-bust money.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa Batasan Police Station.