Legacy, marami pa akong gagawin sa Maynila - - Erap

October 17, 2018

Personal at pormal nang naghain ng kanyang certicate of candidacy (CoC) si incumbent Manila Mayor Joseph Erap Estrada sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec] sa Arroceros, Manila.

Sa panayam kay Erap, sinabi nito na ito ang kanyang huling termino bilang alkalde ng lungsod. ‘Gusto kong mag-iwan ng legacy sa mga Manilenyo, marami pa akong gagawin sa Maynila’.

Kabilang sa mga nakalinya sa kanyang programa ang reclamation sa Manila Bay, tuluy-tuloy na urban renewal, hindi mawawala aniya ang pagpapalakas sa edukasyon, kalusugan at lalung-lalo na ang kapakanan ng mga senior citizen at lahat ng mamamayan ng lungsod ng Maynila.

Kasama niyang nagsumite ng kanilang mga CoCs ang kanyang vice mayoral candidate na si Amado Bagatsing at lahat ng kanyang mga kandidato sa lahat ng distrito ng lungsod.

Sa panig naman ni Bagatsing, pumayag si-yang maging running mate ni Erap sa paniniwalang makatutulong siya na manatili ang kaayusan, katahimikan at mapanatiling ang Maynila is a safe place to live at attractive sa investors, ayon pa kay Bagatsing.

Sa panig naman ni MPD director Chief Supt. Rolando B. Anduyan, generally peaceful ang sitwasyon kaugnay sa paghahain ng CoC sa Maynila.