Lalaking nagwala, nakarma agad

September 28, 2018

Instant karma ang ina-bot ng isang 24-anyos na lalaki nang madulas habang nagwawala at eksaktong bumagsak sa binasag niyang salamin kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Fairview General Hospital ang biktima na si Ryan Castro Moreno, may live-in partner, vendor, at residente ng 9749 Kasunduan St., Bgy. Commonwealth, ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag sa pulisya ni Irine Regato Labajo, live-in partner ni Moreno, dakong alas-8 ng gabi nu’ng September 27 nang mangyari ang pag-aamok ng kaniyang kinakasama sa loob ng kanilang tahanan.

Umuwi umanong lasing si Moreno at galit na galit na sinuntok ang kanilang salamin at nabasag suba-lit dahil sa kalasingan ay nawalan ito ng balanse at nadulas.

Eksaktong bumagsak naman si Moreno sa nabasag na salamin at natusok ang kili-kili at umagos ang maraming dugo kaya agad na humingi ng saklolo si Labajo sa kanilang mga kapitbahay.

Ayon kay PO1 Morshid D. Tanog, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) nasawi sa nasa-bing hospital ang biktima dakong alas-9:40 ng gabi dahil sa pagkaubos ng dugo.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ni Thelma Castro ang pagkamatay ni Moreno dahil kumbinsido umano siya na ang nangyari sa kanyang anak ay isang aksidente lamang.