4,513

Lalaking masakit ang tiyan tumalon sa gusali

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 281

Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki na umano’y may sakit sa tiyan matapos na umano’y tumalon sa tuktok ng isang gusali sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Pansamantalang itinago ng mga imbestigador ng Criminal and Investigation and Dtection Unit (CIDU) ng Quezon City Police Dstrict  ang pagkikilanlan ng biktima sa pakiusap na rin ng ina nito.

Sa inisyal na report ni PO3 Alvin Quisumbing ng CIDU, ang insidente ay naganap 11:22 p.m. nu’ng  Lunes sa Tower 1, Grass Residence sa Bgy. Sto Cristo, Bago Bantay, QC.
    
Batay sa pahayag ni Noli Perez, duty security guard sa nasabing gusali, nagsasagawa siya nang pagro-roving ng makarinig siya ng malakas na lagabog.
    
Nang kanyang tunguhin ang pinagmulan ng lagabog ay tumambad sa kanya ang lasug-lasog at duguang katawan ng biktima.
    
Nabatid sa ina ng biktima na may matinding sakit sa tiyan ang anak nito na posibleng hindi na makayanan ang panana-kit at hindi na rin tumatalab ang iniinom nitong pain reliever kaya winakasan na nito ang kanyang nararamdamang paghihirap.