Lalaki uminom muna ng alak bago nang-rape ng 19-anyos na kalugar

September 20, 2018

KUMUHA ng lakas ng loob sa pag-inom ng alak ang 42-anyos na lalaki bago isakatuparan ang matagal nang pagnanasa sa 19-anyos na kalugar kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Batid ng suspek na si Samuel Maambong, ng Unit 309 Disiplina Village, na nag-iisa lamang ang biktimang itinago sa alyas Mila sa tinutuluyang unit sa naturan ding village sa Bgy. Bignay dahil pumapasok sa trabaho ang kalive-in nito kaya’t dakong alas-5 ng hapon nang katukin niya ang pintuan ng babae matapos lumaklak ng alak.

Inakala naman ni Mila na maagang umuwi ang kinakasama kaya’t binuksan niya ang pintuan at nagulat na lamang siya nang tumambad sa kanya ang suspek na bukod sa amoy alak ay nanlilisik pa ang mga mata na sinuri ng tingin ang kanyang katawan.

Biglang itinulak papasok ng kanyang unit ng suspek si Mila at isinara kaagad ang pintuan bago puwersahang inihiga sa sopa at sinimulang paghahalikan sa labi at leeg.

Puwersahan ding itinaas ng manyakis na suspek ang suot na bra ni Mila at hayok na hayok na sinibasib ang malusog na dibdib ng babae sa kabila ng patuloy na panlalaban nito.

Nang gumapang na ang kamay ng suspek sa maselang bahagi ng katawan ni Mila, nakaramdam na siya ng matinding kirot kaya’t ubos lakas niyang pinagsasampal at itinulak ang suspek bago nagtatakbong palabas ng tinitirhang unit.

Dahil dito’y napilitan na ring lumabas ang suspek at nang hindi niya mamataan ang biktima ay nagpasiya ng lumayo kaya’t muling nakabalik sa kanyang tirahan si Mila at hinintay na dumating ang kinakasama.

Nang dumating na ang ka-live-in ni Mila, dito niya inilahad ang kalapastanganang ginawa sa kanya ng kalugar kaya’t sa tulong ng pangulo ng Disiplina Village na si Analyn Mendoza, nadakip si Maambong na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Tagged Under