6,141

Lalaki tinarakan ng kaalitan

  • Written by Edd Reyes, may ulat nina Mia Garcia at Baby Olive Castil
  • Published in Metro
  • Read: 201

TINAPOS sa dahas ng isang lalaki ang mata-gal na nilang alitan ng kanyang kalugar matapos tangkaing
paslangin sa pama-magitan ng pananaksak ang biktima kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kasalukuyang naki-kipag-usap sa negosyanteng kapitbahay ang biktimang si Rafael Mirambel,
nasa hustong gulang at nakatira sa 113 Adante St., Bgy. Tañong dakong alas-4:50 nang mula sa kanyang
likuran ay sumulpot ang suspek na si Allan Suarez, 39, ng 86 Adante Street, at tinarakan agad ng pa-
talim ng dalawang ulit sa katawan.
    
Isinugod naman kaagad sa Tondo Medical Center ng kanyang mga kaanak ang biktima na
kasalukuyan pa ring nasa kritikal na kondis-yon matapos isailalim sa operasyon.
    
Matapos naman ang pananaksak, kusang-loob na nagtungo sa tanggapan ni Chairman Jun
Buenaventura ng Bgy. Tañong si Suarez, dala pa ang duguang patalim, upang isuko ang kanyang sarili.
    
Mismong si Chairman Buenaventura na ang nagdala kay Suarez sa pulisya upang matiyak din ang
kanyang kaligtasan sa kamay ng galit na galit na kaanak ng biktima.
    
Ayon kay PO2 Aaron Blanco, imbestigador ng Malabon police, sasampahan nila ng kasong
frustrated murder ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.