5,525 guests

Lalaki itinumba ng RIT gunmen

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 743

Isang lalaki ang iniulat na nasawi maka-raang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Commonwealth, Quezon City, iniulat kahapon.

Sa ulat na ipinarating kay Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ng Quezon City Police Station-6, kinilala ang nasawi na si Louie Lebusta, 31, ng Everlasting St., Bgy. Payatas.
   
Sa ulat ng PS-6, nangyari ang insidente sa Lot 1, Block 20, Kaunlaran St.,  11:30 ng umaga.
   
Sa pagsisiyasat ni PO3 Alvin Oballo ng PS-3, base sa pahayag ni Mang Artemio, tatay ng biktima, ang huli ay dating napiit sa kasong robbery at nasa ilalim ng probation.
   
Sa salaysay ng saksing si Maria Veron, 30, guro, kasalukuyan umano siyang nagluluto sa kanilang bahay nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril at nang silipin niya sa bintana ay nakita ang hindi nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo na bi-nabaril ang biktima na nakalugmok na sa kalye.
   
Matapos nito, isa pang suspek na nakasuot ng itim na jacket ang bumaba sa kanilang motorsiklo saka muling pinagbabaril ang biktima bago nagsitakas.
   
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala, dalawang depormadong lead core, dalawang jacket fragments at isang tingga ng bala mula sa hindi matukoy na baril.