6,928

Lalaki inatake dahil sa labis na pag-inom ng alak

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 161

SA silyang pahingahan niya natuluyan ang isang 31-anyos na lalaki na hinihinalang muling inatake dahil sa labis na pag-inom ng alak kahapon ng umaga sa sidewalk ng R. Hidalgo St., Quiapo, Maynila.

Kinilala ng kanyang kapatid na si Arnulfo ang biktima na si Arlon Bulatao, walang permanenteng tirahan.

Ayon kay SPO1 Michael Marragun, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubreng wala nang buhay sa isang silya ang biktima.

Nabatid na una nang dumanas ng stroke ang biktima pero hindi pa rin ito tumigil sa pag-inom ng alak at mayroon na rin itong iniindang karamdaman sa kanyang baga.

Hinalang muling inatake ang biktima ilang oras bago ito natagpuang patay.

Wala naman anumang sugat na nakita sa katawan ng biktima na palatandaan na pinatay.