7,117

Kaso vs Parañaque City treasurer ibinasura ng Sandiganbayan

  • Written by People's Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 196

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong isinampa laban kay Parañaque City treasurer Anton Pulmano.

Idinismiss ng Sandiganbayan ang kasong kriminal na isinampa laban kay Pulmano dahil sa diumano’y pagbibigay ng tax amnesty na isinasagawa ng pamahalaang lungsod noong 2013.

Ang kasong kriminal laban sa Pulmano ay nagmula sa isang reklamo na isinampa ni Konsehala Maritess de Asis at ng kanyang abogado sa Ombudsman kung saan inakusahan si Pulmano ng pagbibigay ng hindi karapat-dapat na benepisyo sa Chevy Chase Corporation na nagresulta sa nabawasan na pananagutan ng buwis ng huli at kung saan ito ay lampas na sa takdang panahon ng pagbibigay ng amnestiya sa pagbabayad ng buwis.

Sa 14-pahinang desis-yon ng Fourth Division ng anti-graft court noong Nob. 27, nagpasiya na “the entitlement of Chevy Chase to the tax amnesty program cannot be ascribed to Pulmano” in view of the prosecution’s admission that Chevy Chase “was qualified to avail of the tax benefits under Ordinance 13-08 Series of 2013 and was given a reduced assessment in tax delinquency liabilities amounting to P4,048,624.40.”

Hindi rin pinapanagot ng korte si Pulmano sa naging pagbabayad ng Chevy Chase’s na lampas na sa deadline ng tax amnesty program sa pag-amin mismo si Pulmano ang agarang nagpabatid sa Chevy Chase tungkol sa pagka-”dishonor” ng kanilang tseke. Nakasaad sa dokumento na “that settlement of the check was not covered by the tax amnesty period.”
    
Sa naging desisyon, nagpahayag ng kaluwagan ng loob si Pulmano, “Since Day 1, I have a firm belief that justice will prevail.”
    
Ayon naman sa abogado ni Pulmano na si Mei Go na batay sa mga rekord, ang tunay na layunin ng nagrereklamo ng konsehal ay upang ma-kabalik sa Chevy Chase at mga opisyal nito dahil si De Asis ay dating pre-sidente ng korporasyon at pagkatapos ay inalis dahil sa kanyang di-umano’y maling pama-mahala at mishandling ng mga pondo ng korporasyon.
    
“Ang mga ganitong harassment case ay nakapagpapahamak sa isang lingkod bayan,” paghihina-nakit ni Pulmano na may mahigit ng 25 taon sa serbisyo publiko.