5,949

Kalahating tonelada ng botcha nakumpiska sa Tondo

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 282

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board ang may kalahating tonelada ng hinihinalang botchang karne at mishandled frozen meat kahapon ng madaling araw sa gilid ng kalsada sa Recto Avenue corner Juan Luna St. Tondo, Maynila.

Dakong ala-1 ng madaling araw nang makita ang mga botchang karne na nakalagay sa mga bayong habang nakatiwangwang ang mga mishandled frozen meat. Sinabi ni Dr. Nicanor Santos, ang head ng special enforcement squad ng VIB, nagsagawa sila ng routine inspection nang mapansin ang mga karne na hindi maganda ang kalidad.

Nalaman na walang certificate of meat inspection na naipakita ang mga tindera.

Nabatid na ieksaminin muna ang mga nasabat na.karne bago ibaon sa lupa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Alberto Burdeos, officer-in-charge ng VIB, masama sa kalusugan na makakain ng mga botcha at mishandled meat na maaaring makapagdulot ng diarrhea at food poisoning.

Nalaman na ang sinumang mahuhuli na nagbebenta nito ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang 12 taon at may multa na mahigit sa isang daang libong piso.

Bukod pa sa kasong paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines at Food Safety Act.