5,026 guests

Grade 11 stude nilapirot ng nanggigigil na driver

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 470

NILAPIROT nang husto ng 24-anyos na tsuper ang maselang parte ng katawan ng Grade 11 na babaing estudyante matapos niyang panggigilan ang biktima kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Naglalakad sa 6th Avenue, Bgy. 49 ang 17-anyos na biktimang itinago lang sa pangalang Evelyn nang bigla siyang hablutin ng suspek na si Julyuse Ernie Alonzo, 34, ng Area F., Parola Compound, Tondo, Manila, sa madilim na bahagi ng Baltazar Street.

Hindi umano napigil ng suspek ang panggigigil sa magandang hubog na katawan ni Evelyn kaya’t puwersahan nitong ipinasok ang kamay sa suot na panloob ng dalagita at sa halip na himasin ay nilapirot pa nito ang kaselanan ng biktima.

Magkahalong takot at sakit ang naramdaman ni Evelyn kaya’t pilit siyang nagpumiglas hanggang makatakbo at makahingi ng saklolo sa kabesa ng barangay sa naturang lugar.

Kaagad namang kumilos ang mga barangay tanod na sina Rennante Meneses at Leo Masamayor at dinakip ang suspek

Kasong acts of lasciviousness ang isinampa nina PO1 Genevive Huagon at PO1 Frances May Sansano ng Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
 
Nagtakda naman ng P12,000 piyansa si Assistant City Prosecutor Rowena Alejandria para sa pansamantalang paglaya ni Alonzo.