Grade 11 stude, 17, hinalay ng 2 kaibigan

September 19, 2018

NAWALA ang kalasingan ng 17-anyos na Grade 11 student nang maramdaman ang paghalik at pag-haplos sa maseselang parte ng kanyang katawan ng dalawang binatilyong kanyang mga kaibigan at kainuman sa isang bahay sa Bgy. Tambo, Parañaque City.

Kamakalawa lamang ng hapon nadakip ng mga tauhan ng Parañaque Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang dalawang binatilyong kapwa nasa edad na 17 na ang isa’y estudyanteng itinago sa pangalang Romy, ng Bgy. Don Galo habang ang out-of-school youth na kasabuwat niya na itinago sa pangalang Junior ay taga-Bgy. Tambo.

Sa ulat na tinanggap ni Parañaque police chief Senior Supt. Victor Rosete, pawang magkakaibigan at magka-kabarkada ang mga suspek kaya’t tiwala ang biktimang itinago sa pangalang Abby nang yakagin siya noong Linggo ng hapon ni Romy at isa pa nilang barkadang si Jerome na mag-inuman sa bahay ni Junior sa Quirino Avenue, Bgy. Tambo.

Dakong alas-4:45 ng hapon nang mauna nang umalis si Jerome matapos maubos ang iniinom nilang gin kaya’t naiwan sa inuman sina Junior at Romy na bumili naman ng brandy bilang kapalit ng naubos na nilang gin.

Sinabi ni Abby sa pulisya na nagtaka na siya kung bakit pinupuno ng alak ng dalawa ang baso sa tuwing darating sa kanya ang tagay habang konti lang ang laman nito kapag sila na ang iinom kaya’t kalaunan ay nawalan na siya ng ulirat dahil sa kalasingan.

Bumalik lamang ang kanyang ulirat nang maramdaman ang maiinit na halik at paglamas sa kanyang dibdib at maselang parte ng kanyang katawan at kahit bahagyang madilim sa silid ay naaninag niya ang mga kabarkada na kapwa nagpapasasa sa kanyang katawan.

Binulungan pa umano siya ni Junior na huwag mag-alala dahil bibigyan siya ng proteksiyon hanggang maramdaman niyang hinuhubad na ni Romy ang kanyang panty at short pants bago tinangkang isakatuparan ang panghahalay.

Gayunman, nang mabigo umano si Romy na isakatuparan ang hangarin ay ginamit na lamang nito ang mga kamay sa panghahalay habang patuloy naman si Junior sa malalaswang pagnanasa sa kanya.

Matapos makaraos ay bigla umanong natauhan si Romy kaya’t tinulungan siyang isuot ang kanyang damit panloob at pinayagan nang makaalis sa bahay nina Junior.

Sa isang ka-klase tumuloy si Abby na siya namang sumundo sa kanyang ina na nagsama sa kanya sa mga awtoridad upang magreklamo na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang binatilyo.

Tagged Under