6,080

Estrada sumama sa panawagan ng LMP na itatag ang Federalismo

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 282

TUNGKOL sa hindi parehas na pamamahagi ng pondo sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan ang
pangu-nahing isyu na mainit na pag-uusapan sa idinaraos na tatlong araw na League of
Municipalities of the Philippines (LMP) 2nd General Assembly sa  Manila Hotel na panauhing
tagapagsalita si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada. 

Inaasahang dadalo si Presidente Rodrigo Duterte sa pambansang pulong ng 1,400 miyembro ng
LMP upang muling hikayatin ang publiko na suportahan ang pangarap niya na maitatag ang
federalismong uri ng pamahalaan sa Pilipinas.
     
Noong halalang presidensiyal ng 2016, buong init na ikinampanya ni  Duterte ang
Federalismo -- na siyang tanging paraan u-pang maitama ang umiiral na depektibong sistema ng
gobyerno sa bansa.
     
Sa sistemang Federa-lismo, kung ano ang kayamanan at pag-aari ng lokal na pamahalaan, ito
ay kanilang lubos na mapaki-kinabangan.
 
“Kung ikaw ay may P100, kuhanin mo ang P30 at ito ang ibigay sa Federal government, ’yung
P70 sa iyo ’yun,” madalas na sabihin ni Duterte sa kampanya noong 2016, isa sa mga pangako na
naging dahilan ng kanyang pagkapanalo.
     
Nabatid na ang LMP sa pamumuno ng pangulo nito na si Mayor Maria Fe Villar-Brondial ay
mag-iisyu ng isang opisyal na paha-yag na hihingiin sa Kongreso na unahin ang pag-aamyenda sa 1987
Constitution na palitan ito ng isang federal na uri ng gob-yerno.
     
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Estrada na sinusuportahan niya ang nais ng LMP na maitatag
ang gobyernong Federalismo  sa pagbanggit sa tema ng asemblea na: “Pederalismo: Ngayon Na!”
 
Kung bakit sinusuportahan niya ang Federalismo, sinabi ni Estrada na alam na alam niya ang
mga problema ng isang lokal na pinuno ng pamahalaan.
 
“I had nearly two decades of experience in leading the now progressive city of San Juan.
Alam na alam ko ang mga problemang kinakaharap ninyo dahil ganu’n din ang hinarap ko ng halos
dalawang dekada,” aniya.
    
Nang siya ang Pangulo noong 1998, hinangad ni Estrada na palakasin ang kapangyarihan ng
mga lokal na pamahalaan sa bansa.
    
“I can recall that in August 2000, I even made the following announcement: ‘The Local
Chief Executives must be the shepherds who must lead their communities towards a better future.”
    
Ayon kay Estrada, ginawa niya ang pahayag na iyon bunga ng desisyon ng Supreme Court
tungkol sa Internal Revenue Allotment na iniuutos ng batas na ibigay sa lahat ng lokal na
pamahalaan.
    
“I believed it then, and believe it now: Tayo ang mga pinuno na gagabay sa ating komunidad
tungo sa isang mas magandang bukas. Ngunit magkakatotoo ang lahat ng ito kapag ang pondong
nakalaan para sa mga komunidad ay mabibigay tulad ng dapat.”
    
Ngayon, sabi ni Estrada ay buong-buo ang kanyang pananalig na mangyayari ito, dahil ganap
na ganap na naiintindihan ni Presidente Duterte ang mga problema ng isang lokal na pinuno na
umabot sa 23 taon na naging alkalde ng Davao City.
    
“There is finally a light at the end of the tunnel. May masisilayan na tayong liwanag sa
landas tu-ngo sa Federalismo.
    
Gayunman, pinayuhan ni Estrada ang mga alkalde na maging maingat sa  diskusyon at debate
tungkol sa pagpapalit sa sistemang Federal na pa-mahalaan.
 
“But with President Duterte’s firm grasp of the situation -- our situation -- then there
is every reason to hope that indeed , change is coming.”