6,034

Estrada iniutos mahigpit na seguridad sa Maynila

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 394

Inutusan ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang Manila Police District (MPD) na panatilihing mahigpit
ang seguridad sa buong lungsod, kasu-nod ng pagdakip sa isang dayuhang terorista ng pinagsanib na
puwersa ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) sa ginawang
operasyon kamakalawa sa isang apartment sa M. Adriatico, Ermita, lungsod na ito.

Iprinisenta ni PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa media si Fehmi
Lassquoed, alias John Rasheed Lassquoed, dating pinuno ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa
hanggahan ng Syrian-Turkish.
    
Ang utos ng ibayong paghihigpit sa seguridad ay ginawa ni Estrada kay MPD director Chief
Supt. Joel Napoleon Coronel sa isang miting sa city hall kasama ang iba pang opis-yal ng seguridad
upang pag-usapan ang mga banta ng panganib  at ang mga planong gagawin upang matiyak ang kaligtasan
ng mga mamamayan ng siyudad.

Nais malaman ng alkal-de ang mga plano ukol sa mga hakbang sa seguridad upang mapanatili ang
kaayusan at katahimikan sa Maynila at upang mabig-yan ng sapat na protek-siyon ang mga residente ng
lungsod.
    
Batay sa ulat, nagpunta sa Maynila si Lassquoed upang magrekrut ng mga kabataang Filipino na
maging kasapi ng ISIS at maaaring nagpaplano na sila na targetin ang mga opisina ng pamahalaan at
mataong lugar sa Maynila.
    
Tiniyak naman ni MPD Director Coronel kay Estrada na nakahanda ang bu-ong puwersa ng pulisya
at naitatag na ang mga dob-leng hakbang upang mapigilan ang anumang banta ng terorismo na maaaring
pasabugin ng ISIS.
    
“I am encouraging everyone to focus on the safety and security aspects for the protection of
our people… mahirap nang malusutan tayo ng mga taong ang nais ay maghasik ng kaguluhan, lalo na sa  
mga lugar na palaging maraming tao,” sabi ng alkalde.
    
Sinabi ni Supt. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, na nailatag na ang mahigpit na
seguridad sa Maynila mula nang mabalita na nadakip ang tero-ristang si Lassquoed.
    
Ayon pa kay Margarejo, patuloy ang masugid na inspeksiyon sa lahat ng estasyon ng MPD at
hindi tumitigil ang pagpapatrul-ya at checkpoints ng lahat ng Police Community Precinct (PCP) mula
dis-oras ng gabi at madaling araw upang matiyak na laging alerto at listo ang mga pulis sa kanilang
pagbabantay.
    
“Bukod dito, nakipag-coordinate na kami sa iba’t ibang intelligence agency na makakapagbigay
ng impormasyon sa anumang banta sa seguridad sa Maynila,” paliwanag ni Margarejo.
 
Idinagdag niya na hindi kailanman nagbaba ng  alert status at defense task force ang MPD
makaraan ang idinaos na miting ng APEC sa Maynila.
    
Ayon kay Director Gen. Bato dela Rosa, isang Egyptian national si Lassqoued  na may hawak na
pekeng Tunisian passport at kasama na naaresto ang nob-yang Pinay.
    
Nakumpiska kay Lassquoed ang maraming uri ng baril at mga bala at mga materyales na
ginagamit sa paggawa ng bomba at pampasabog.
    
Nagsilbing negosyador ang suspek sa panig ng  ISIS at mga lokal na opis-yal ng Syria at
Turkey.
    
Batay sa travel record nito, si Lassquoed ay unang dumating sa bansa noong Hulyo 26, 2016
mula sa Kuala Lumpur, Malaysia; saka nagtungo sa Istanbul, Turkey, Agosto 22, 2016; bumalik sa
Maynila, Agosto 24, 2016 ay lumipad uli sa Kuala, Lumpur, Hulyo 18, 2017; at Maynila uli, Nob. 9,
2017.
    
“Kailangang siguruhin natin na ligtas ang ating mga kababayan sa anumang banta ng panganib,
lalo na at nabanggit ni Gen. Dela Rosa na malamang  na may na-recruit na ito na-radicalized na
kabataan. This is very alarming,” sabi pa ni Estrada.
    
Sa kabila nito, pinawi ni Estrada ang pangamba ng publiko at sinabing nai-latag na ng MPD
ang lahat  ng hakbang upang mati-

yak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Maynila.
    
“Ligtas at secured naman po tayo, base sa assessment sa peace and order situation sa
Maynila,” pagtatapos ni Estrada.