Doktor nagbigti gamit ang necktie

October 25, 2018
Bloody necktie

Kinilala ni Las Piñas City Police Chief Sr. Supt. Marlon Balolong ang nagpakamatay na si  Dr. Brian Raysen Carillo, 39, ng 12 Mitonia St. Santos Village, Phase 3 Bgy. Zapote na natagpuang nakabitin sa bulwagan ng kanyang bahay bandang alas-12:30 ng hapon.

Ang bangkay ng biktima ay nakita ng kanyang nanay na si  Ofelia na may nakatali na kurbata sa kanyang leeg at ang dulo ay nakatali sa kisame sa bulwagan ng bahay.

Sinabi ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na walang kapansanan sa katawan ng biktima maliban sa mga marka na nakita sa kanyang leeg.

Sinabi ng pulisya na walang alam ang pamilya ng biktima kung ano ang dahilan para magpakamatay ang  doctor at kung ano ang problema nito.