6,852

Deputy police station chief, jailer, 2 escort ni-relieved

  • Written by Peoples Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 167

Ni-relieve sa kanilang tungkulin ang deputy station commander, jailer at dalawang police escort matapos na matakasan ng preso na kanilang isinugod sa pagamutan matapos magreklamo ng paninikip ng dibdib sa selda ng Manila Police District-Police Station 9, kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa sinibak sa posisyon sina Chief Insp. Romeo Salvador, deputy station commander ng MPD-Station 9, duty jailer PO1 Lyzer Sagala, at mga escort na sina PO1 Rolly Mendaño at PO1 Ervin Ramirez.

Patuloy pa ang manhunt operation sa preso na si Armand Arroyo, 35, ng Leveriza St. sa Malate, na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 (illegal possession at drug pushing) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinampahan naman ng kasong obstruction of justice ang ina ng preso na si Ma. Teresa Arroyo, matapos na tulungan ang kanyang anak na matakasan ang kanyang mga police escort.

Ayon sa report na ipinarating kay Supt. Roberto Domingo, station commander ng MPD-PS 9, bago nakatakas ang suspek ay una itong dumaing ng pagkahilo, kumbulsiyon at paninikip ng dibdib dahil sa sakit sa puso, 3 a.m. kahapon.

Sanhi nito, ipinatawag ng suspek ang kanyang ina at nagpasugod sa mga pulis sa Ospital ng Maynila upang malapatan ng lunas.

Sanhi na nag-iiba na ang kulay at lupaypay na lupaypay ay nilagyan ng mga doktor ng suwero ang suspek upang makabawi ng lakas.

Gayunman, pagsapit ng 3:30 ng madaling araw ay nagpaalam ang preso na gagamit ng palikuran at nagpasama pa sa kanyang ina.

Gayunman, nakatakas ang suspek at nang hindi na makita pa ay ang ina na lamang niya ang binitbit sa presinto upang ikulong sa kasong obstruction of justice.

Samantala, iniutos naman na ni MPD director Chief Supt. Rolando Andu-yan ang pagsagawa ng manhunt operation kay Arroyo.