City ordinance ipairal - - Erap

October 19, 2018
Joseph Estrada

Alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada kay MPD director Chief Supt. Rolando B. Anduyan, ipinag-utos nito sa lahat ng kanyang police station commanders na arestuhing lahat ang mga lumalabag sa ipinaiiral na city ordinance sa lungsod ng Maynila,

Inilunsad ng Manila Police District ang Oplan bawal tapon basura sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Kaugnay nito marami sa mga nahuli ng mga kagawad ng MPD ang mga nagtatapon ng basura sa Road 10 kanto ng Pacheco sa Tondo at Oroquieta, Blumentrit, Sta. Cruz, Manila.

Pitumpu’t-apat katao ang aktual na naaresto sa pagtatapon ng basura sa mga bawal na lugar na pinagtatapunan ng basura sa lungsod. Ang mga naaresto ay sinampahan ng kaukulang kaso sa City Prosecutor’s Office ng violation of city ordinance.

Ang paglabag sa mga city ordinance ay may karampatang multa o pagkakakulong ng ilang araw.

Kaalinsabay nito, nanawagan si Andu-yan sa lahat ng mga opisyal ng mga barangay na makipagtulungan sa mga pulis na ipairal ang city ordinance sa lungsod ng Maynila.

Umaasa pa si Anduyan na sa mga darating na araw ay mabawasan ang lumalabag sa mga ordinansang ipinag-uutos sa lungsod.