5,379 guests

Binatilyo namaril ng barker, arestado

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 667

Inaresto ng pulisya ang isang 15-anyos na binatilyo matapos na barilin ang isang barker habang nagtata-wag ng pasahero sa Bgy. Fairview, Quezon City, kamakalawa.

Ang suspek na residente ng Camarin, Caloocan City, ay nakatakdang i-turn over sa Women’s and Children’s Protection Desk.
    
Ayon sa pulisya, ang suspek ang itinuturong bumaril sa biktimang si Joselito Pasco.
    
Nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kanto ng Quirono Highway, Maligaya Park, Bgy. Pasong Putik, QC.
    
Sa pahayag ng isang saksing security guard sa lugar, kasalukuyan si-yang nagbabantay nang marinig ang isang putok ng baril.
    
Nang kanyang tingnan ay nakita niya ang duguang biktima. Isinu-god ito sa Commonwealth Hospital pero idineklarang dead on arrival.