7,759 guests

Binata na-hit and run ng kotse, patay!

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 168

PATAY ang isang 27-anyos na binata nang mabiktima ng “hit and run” nang isang humaharurot na sasakyan habang tumatawid ang nauna sa kahabaan ng MacArthur Highway kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Dead on the spot ang biktimang si Novie Macoco, ng 119 Morong St., Bgy. Malinta, ng nasabing lungsod, sanhi ng tinamo nitong matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang Valenzuela City police upang matukoy ang pagka-kilanlan ng driver ng puting pribadong behikulo na may plakang for “dropping”.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 1:50 a.m.  nang maganap ang insidente sa MacArthur Highway malapit sa Encarnation Street tapat ng Willy Art and Signs, Dalandanan, nang mabangga ito ng naturang sasakyan habang tumatawid.

Tumilapon ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan habang mabilis na tumakas ang nasabing sasakyan imbes na tulungan ang kanyang nabangga.