4,755 guests

Ama itinumba sa harap ng mga kainuman

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 277

Nasawi ang isang ama habang sugatan naman ang kanyang dalawang anak makaraang pagbabarilin ng hindi pa
nakikilalang mga salarin habang nag-iinuman, kasama ang ilang kapitbahay, sa tapat ng kanilang tahanan
sa Quezon City.

Dead on the spot si Ronilo Galo Emeterio, 31, ng 142 Kasunduan St., Bgy. Commonwealth, QC,
dahil sa tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
    
Malubha namang nasugatan ang dalawang anak ng biktima na kinilalang sina Mark Anesco, 19, at
Mevron Robin Emeterio, 8, na tinamaan naman ng stray bullets at ang kainumang kapitbahay na si Ryan
Christian Mallari, 18, ng 242 Kasunduan Street.
    
Ang tatlong sugatan ay kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center.
    
Batay sa pahayag ni Meriam, misis ni Ronilo, kay  PO3 Geoarge Calcuba, ng CIDU-QCPD, dakong
alas-12 ng hatinggabi natutulog umano sila ni Mevron nang gulantangin siya ng sunud-sunod na putok ng
baril mula sa labas ng kanilang bahay.
    
Agad siyang lumabas at nakita niya ang mister na duguang nakabulagta habang ang anak niya at
kainuman nito ay kapwa duguan din. Agad nagsitakas ang mga suspek.