2 huli sa pangingikil, pananakot

October 10, 2018

ARESTADO sa entrapment operation ang dala-wang lalaking nagtangkang mangikil sa pama-magitan ng pananakot sa isang distributor company at sa opisyal nito kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief Senior Supt. David Nicolas Poklay ang mga nadakip na sina Christian Rivera, 24, ng 78 Jacinto St., Canumay West, at Arveen Neil Marquez, 24, ng Lazaro St., Canumay West, na kapuwa nahaharap sa mga kasong pangingikil, pananakot at paglabag sa PD 1727 or “bomb joke”.

Humihingi ng P50,000 ang mga suspek kapalit ng hindi pagpatay sa kanya at pagpapasabog sa kompanya.

Nahuli ang mga suspek sa Smart Padala outlet habang nag-aabang ng padala ng biktima,