2 bus drivers huli sa expired license, droga sa Araneta bus terminal

October 29, 2018

NAGTULONG ang Land Transportation Office  (LTO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang inspection ng mga bus sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Que-zon City kahapon ng umaga, habang nagsi-mula nang magdagsaan ang mga pasahero patungong probinsiya para sa nalalapit na All Saints Day at All Souls Day.

Nagtungo ang grupo sa bus terminal sa Cubao kung saan sinimulan ng mga taga-LTO ang pag-i-inspect ng mga registration, lisensiya, ilaw, brakes at tires ng buses para mati-yak ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi ng pro-binsiya. 

Sa pag-i-inspect, pinigil ang isang driver ng bus na paso na ang driver’s license sa biyaheng Naga City.

Ang PDEA naman ay  nagsagawa ng drug tests sa mga driver kung saan isa rin ang nahuling positibo sa paggamit ng pinagbabawal na gamot na nakatakda ding  magbiyahe o mag-drive.

Ang operasyon o ins-peksyun ay layuning ma-tiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, gayundin ng mga bus drivers at conductors.

Ayon sa LTO, magpa-patuloy ang kanilang inspection sa mga bus hanggang sa susunod na mga araw upang matiyak ang safety ng lahat habang inaalaala ang Undas.