6,073

15-anyos nalasing, minolestiya ng katropa

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 327

IPINAGKANULO ng labis na kalasingan ang 15-anyos na dalagitang estudyante na naging dahilan upang mala-yang mapagsamantala-han ng kanyang kainuman kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na nagawang manlaban ng Grade 9 student na itinago sa pangalang Doris nang umpisa-
han siyang hubaran at pag-hihipuan ng kanyang ka-tropa sa inuman na naki-lalang si Mark Paulo Chan, 21, factory worker, ng 156 Sisa St., Bgy. Acacia, dahil na rin sa labis na kala-singan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Mayett Simeon ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), kasama ng biktima ang mga kaibigang babae na sina Diane Cristy at Adriane nang magtungo sila sa bahay ng suspek na kanilang katropa upang makipag-inuman.

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak, napuna ng biktima na wala na ang dalawa niyang kasama dakong alas-11 ng gabi at tanging sila na lamang ng suspek ang naiwang tuma-tagay.

Tinangka umanong tumayo ng biktima upang lumisan na rin subalit dahil sa kalasingan ay hindi na niya magawang umuwi at ipinasiyang sa bahay ng katropa magpalipas ng magdamag.

Dito na niya naramdaman ang paghimas ng ka-tropa sa maselang bahagi ng kanyang katawan hanggang maramdaman na lamang niyang hinubaran at kinubabawan na siya ng suspek.

Umaga na nang makaalis ang biktima at kaagad humingi ng tulong sa isa pa niyang kaibigang nakilala sa alyas na Jef-Jef na siyang sumama sa kanya sa paghahain ng reklamo sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 4.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon sina PO1 Ricardo Francisco Jr. at PO1 Mark Jay Andrea at kaagad nagtungo sa bahay ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.