5,994 guests

Na-confine

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz

Sharon, nanghihingi ng dasal

Heart at Chiz, magpapakasal uli

Kasalukuyan palang naka-confine si Megastar Sharon Cuneta ayon na rin sa kanyang post sa Facebook account niya kahapon.

Sa kwento niya, three weeks na siyang ubo nang ubo at lagi siyang pagod kahit wala namang ginagawa kaya nagpa-check-up na siya at in-advise na magpa-confine na.

“I have been coughing for over three (!!!) weeks now. I went on antibiotics for two of those three weeks, and I didn't get better at all. I am always tired even when I'm not doing anything, also always dizzy, and yesterday I finally (yes, just yesterday. Matigas minsan ang ulo ko, ayaw agad pumunta sa doktor!) went to see my E.N.T. at Cardinal Santos.
   
“Well now I am confined at St. Luke’s because my doc warned me that I am contagious (Miguel already got sick. Am sure nahawa sa akin) and I still don't know what's wrong with me, except for what my doc yesterday saw were allergic rhinitis and a post-nasal drip and a bacterial infection that all started when I was in the States. Also, my heartrate is racing even when I am sleeping.
   
“This, apparently, is the cause of my constant tiredness. Para akong excited na nanonood ng concert ng One Direction (sorry, I'm really a fan! Blame my girls!:-)) kahit na nakahiga lang ako at nagbabasa. I know this because I had a 2D Echo test with one of my cardiologists last night.
   
“I’ve been on an I.V. of antibiotics since I got here yesterday, but my cough is still weird. Weird for lack of a better word -- and also really weird because I've never had a cough like this before. It's a ‘hard’ cough. It is mostly quiet, but when it hits, it's like a full-on violent attack and I actually become weak from coughing too much. And my heart... it is what I am most worried about. At least it's fixable and right now they’re just figuring out how much of a dosage I would need of my meds to keep the rate normal.
   
“Late last night, I had a CT scan. Guess all’s okay in that nothing has spread down to my lungs, kasi I haven't heard from my doc about anything negative from it. Thank God for that.
   
“Please, may I request you all to pray for me? I miss my babies so much and want to be nowhere else but home right at this moment.
   
“Please pray that whatever else is wrong with me that hasn't yet been diagnosed is diagnosed soonest, and that I am given the right meds so that I can get well and go home and go back to work?” ang parte ng mahabang post ni Sharon kahapon.
   
Matapos ang isang oras ay ipinost naman ni Mega ang findings ng check-up sa kanya.
   
“Okay. Chest x-ray okay. But fungal infection pa. Ngee. Longer to heal but at least it's being addressed na. Low albumin (Been dieting kasi. Ayan, pause na naman.), so they're adding a vitamin with that and proteins to my I.V.. Please pray that whatever else isn't supposed to be in my body goes away na. Love you all. Thanks so much. God is good! Pulmonologist next,” post ni Shawie.

* * *

Anim na buwan pa lang ang nakakalipas matapos ang kanilang romantic na kasalan sa Balesin Island noong Pebrero 15 pero muli na namang naghahanda si Sen. Chiz Escudero para pakasalan ang misis na si Heart Evangelista sa kanilang first wedding anniversary sa susunod na taon.
   
Pero ayon sa senador, hindi naman “full-blown wedding” ang magaganap kundi isang simpleng renewal of vows at kaunting salu-salo sa kanilang bahay sa Quezon City.
   
Ang isa pang malaking pagbabago, kasama na ang pamilya ni Heart sa nasabing pangalawang kasalan.
   
“Simple lang hong seremonya iyon. Kami-kami lang ho para ho may litrato kami na kapiling ang kanyang mga magulang,” sabi ng senador sa isang panayam sa radyo kamakailan.
   
Magsisilbi rin daw itong pasasalamat para sa magandang relasyon sa pagitan ng kanilang mga pamilya matapos ang naunang hindi pagkakaintindihan.
   
Sey ni Chiz, masayang masaya siya ngayon sa mga nangyayari sa kanilang buhay ng maybahay.
   
Maihahalintulad daw sa isang “fairy tale” ang kanilang buhay mag-asawa ni Heart sa nakalipas na anim na buwan.
   
“It’s showing in her art. Nagpipinta si Heart, hindi lamang painting, pero sa bag na rin, sa damit. It shows in her artistic side perhaps, na maganda ang lugar na kinakalagyan niya. Hindi na madilim mga painting niya, maliwanag ’yung mga painting niya,” saad ng senador.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.