4,999 guests

12 drug suspek, 2 holdaper kay ‘Ariel Rivera’ nalambat ng QCPD

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 664

Sampung drug suspects at dalawang lalaki na nangholdap sa kapangalan ng singer/artist na si Ariel Rivera ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa walang humpay na “Oplan Galugad” sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, iniulat kahapon.

Sa ulat kay QCPD director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang 10 drug suspects ay nadakip ng mga operatiba ng La Loma Police Station (PS-1) at Fairview Police Station (PS-5); habang ang dalawang sangkot sa robbery-holdup ay nada-kip sa Project 6.
 
Kinilala ang mga suspek na sina Aeron Barcelo, 19, Kevin Galgerra, 26, Jerold Tanega, 18, Jessie Gomez, 31, at Ronele Salvador, 19, pawang mga residente sa Parkway Village, Bgy. Apolonio Samson, QC, na naaresto ng mga ope-ratiba ng PS-1 na nagsasagawa ng anti-criminality patrol dakong alas-7:30 ng gabi.
   
Nakatanggap umano ang tropa ni Supt. Tomas Nuñez ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot session sa loob ng isang bahay sa 9-D Christine St., Parkway Village, na naging ugat ng pagsalakay at madakip ang mga ito sa aktong nagsisipagtira ng shabu. Nasamsam mula sa kanila ang limang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.
 
Dakong alas-6:30 ng gabi nang madakip ng mga operatiba ng anti-drug unit ng PS-5 sa pamumuno ni Supt. Alex de Jesus Alberto ang mga suspek na sina June Alano, 32, Joseph Muñoz, 30, ng Sta. Lucia, Quezon City; Argie Bordon, 27, Andril Mangahas, 27, at isang 17-anyos na binatilyo ng Bgy. North Fairview, QC, habang nagsasagawa rin ng pot session sa may Drachma St. Phase 8, Bgy. North Fairview. Nakumpiska sa kanila ang isang plastic sachet at mga drug paraphernalia.
   
Samantala, dakong alas-3 ng madaling araw nang madakip naman ang mga robbery-holdup suspect na sina Arnel Matabalan, 25, ng Agham Road, Project 6, QC, at Gary Advincula, 26, ng Block. 6, Lot 98, Bgy. San Isidro, Montalban, Rizal.
   
Ito ay matapos na magsagawa ng follow-up operations ang tropa ng

Masambong Police Station (PS-2) sa pamumuno ni Supt. Igmedio Bernaldez, makaraang hu-mingi ng tulong ang kanilang biniktima na si Ariel Rivera, 18, construction flagman sa Project 6, QC.
   
Ayon kay Eleazar, sinampahan na ng mga kaso sa piskalya ang mga suspek na nakapiit nga-yon sa naturang mga himpilan.