11 anyos ika-88 biktima ng Dengvaxia vaccine

September 25, 2018
Dengvaxia Victim
Makikita sa mga larawan ang mga biktima at ang actual na exhumation.

ISANG  11 anyos na taga Quezon City ang ika-88 biktima umano ng Dengvaxia vaccine.

Ang mga labi ni  Levie Losanga ay hinukay sa  Bagbag cemetery sa pamumuno ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acostas  at saka ginawan ng autopsy ng PAO forensic experts.

Ang biktima ay tinurukan ng isang ‘dose’ ng Dengvaxia vaccine noong  August ng taong ito sa ilalim ng Department of Health vaccination program.

Una pa rito ginawan ng autopsy ng PAO si Eliza de Guzman,12. Ang ika-87 umanong biktima ng Dengvaxia na  tinurukan ng tatlong ‘dose’ ng vaccine.

Ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa ay dahil umano sa dengvaxia ay magkalintulad , kabilang ang ‘multi organ failure, severe cerebral hemorrhage,’ at iba pa.

Tagged Under