4,838 guests

11-anyos dinaliri ng houseboy, na-trauma

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 178

MATINDING trauma ang sinapit ng Grade 5 na mag-aaral matapos gapangin at daliriin ng kasambahay na
lalaki ang maselang bahagi ng kanyang katawan kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Hapon na nang matuklasan ng ina ng 11-anyos na biktimang itinago sa pangalang Josie ang
kalapasta-nganang ginawa sa kanya ng kanilang lalaking kasambahay matapos mapuna ng ina ang wala sa
normal na kondisyon ang anak nang dumating buhat sa paaralan.
     
Nang usisain ng ina si Josie, sinabi nito na nana-nakit ang kanyang kaselanan at natatakot
siya sa kasambahay nilang si Boy (hindi tunay na pangalan) dahil sa ginawa nito habang siya ay
natutulog kamaka-lawa ng umaga.
     
Napag-alaman na sa iisang silid lang natutulog ang biktima, kanyang mga kapatid at ang
kasambahay dahil maliit lang ang tirahan nila sa Bgy. 73.
     
Ayon kay Bgy. Ex-O Edgar Macaraig, nagising na lamang ang biktima dahil sa pananakit ng
kanyang ari at nang idilat ang kanyang mga mata ay nakita niya ang suspek na biglang tumalikod at
kunwaring nagte-text.
     
Hindi naman inamin ng suspek na dinaliri niya ang bata subalit panay ang hingi niya ng tawad
sa ina nito nang ipadakip siya sa mga barangay tanod.
 
Inamin naman ng ina ni Josie na mabait sa kanyang anak ang kasambahay kaya’t hindi niya
akalaing magagawa nito ang kalapastanganan. Gayunman, kapag aniya napatunayan na ginawan ng kahalayan
ang kanyang anak, hahayaan niyang mabulok sa kulungan ang kasambahay. May ulat ni Justine Atacador
(OJT)