Ai-Ai's lack of sex life revealed

 

BAWAL makipag-sex si Ai-AiAi de las Alas kapag may ginagawa siyang movie o ’di kaya ay teleserye.

Dinidisiplina niya ang kanyang sarili lalo na ngayong siya ang latest endorser ng Flawless facial clinic.

Eh, sa launching niya bilang endorser, inamin ni Ai-Ai na katawan lang niya ang kanyang pinagagalaw sa doktor at never ang kanyang mukha.

Eh, speaking of "galawan,” kelan ba huling "nagpagalaw" ang comedy concert queen?

"Anong klaseng galaw ba 'yan? Linawin natin! Hahaha! Puwedeng ipaliwanag natin? Hahaha! Galaw ba ito ng lalaki o galaw ng operasyon? Hahaha!

"Galaw ng lalaki... Ako rin ang sumasagot! Hahaha! Wala, hindi na ako nagpapagalaw! Oo, para na akong si Tita Lolit (Solis)! Kakakuwento niya sa akin, hayun at nahawa na ako sa kanya. Totoo!" sakay ni Ai-Ai sa tanong.

Hindi niya nami-miss?

"Nami-miss ko rin! Minsan nga, nagpi-pray ako. Sabi ko, ‘God, tutal wala pa namang movie, bigyan mo ako ng...’ hahaha! ‘Touch ever!'

“Hindi, kasi po, ’pag may movie, from the time masu-shoot 'yung first day, until ma-showing... After four weeks ma-showing, celibate po ako talaga! Kaya minamadali ko si God, ‘Bilisan mo na, malapit na 'yung movie!' Hahaha! Kelan ba talaga ako makakatikim? Hahaha!" pahayag ng komedyana habang humahalakhak.

Bilang endorser ng Flawless, ang anti-aging products ang kanyang ii-endorse gaya ng SkinLift Nutraceutical tablet at Anti-Aging Product Kit.

* * *

IPAMAMALAS ni Ciara Sotto ang talento sa pole dancing sa fund raising na handog ng UP College of Mass Comunication Alumni Association sa May 21, Sabado, na mapapanood sa Zirkoh Comedy Bar Tomas Morato.

Titled Pole the Love of..., ibubuyangyang ni Ciara ang kanyang alindog sa panooring ito na tatampukan din ng UP MassCom alumni na si Ogie Alcasid.

Join din sa masayang show sina John Lapus, EB Babes, Julia Clarete, Masculados, Pretty Young Thing, Jose Manalo at Wally Bayola.

Para sa tickets, mag-inquire sa teleponong 708-0994 o mag-text sa 0918-4074172 at 0916-7678553.

Aba, first time gagawin ni Ciara nang live ang pole dancing kaya naman garantisandong pabulosa ang magiging performance niya!

* * *

DINUMOG sa Las Pinas kamakailan ang second qualifying round ng Trust Bunong Braso Challenge lalo na't pumunta sa okasyon si Robin Padilla pati na sina Joross Gamboa at Jaja ng Sex Bomb.

Eh, para makita siya nang husto ng fans, tumuntong sa ibabaw ng mesa si Binoe bilang tugon sa hindi magkamaway na mahigit isang libong tao.

Sumali sa kumpetisyon ang 32 kalalakihan upang makamit ang titulong Kampeon ng Las Pinas at makuha ang P10,000 na cash prize.

Big winners sa kani-kaniyang dibisyon sina Elmer Ordinado at Mark Luis "Big Boss" Ben.

Makakasama ang dalawa sa grand championship round sa August 6 sa Metro Manila na ang winner, tatanghaling National Trust Bunong Braso Champion with matching P100,000.00 na premyo.

Ang mga susunod na Bunong Braso Challenge ay magaganap sa Baguio City (today, May 14), Valenzuela (May 28), Batangas City (June 11), Cebu (June 25), Davao City (July 2) at Quezon City (July 23).

Para sa mga gustong sumali, mag-e-mail  sa trust_bbc@yahoo. com o kaya’y mag-text sa 0917-909-9090 (Globe at Touch Mobile); 0949-3236788 (Smart at Talk ’N Text) at 0932-527-4228 (Sun Cellular).

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC