Andrew ng BOC


ANO ba naman ang nangyayari diyan sa Bureau of Customs? Imbes na tumino ang takbo, lalo pa daw lumala ang sitwasyon dahil mismong mga tao ni Commissioner Lito Alvarez sa kanyang tanggapan ang masyadong matatakaw sa pera.

Katulad na lang daw nitong si Andrew, hanggang ngayon pala ay tuloy pa rin ang pangongotong nito ng P10,000 bawa’t container sa mga kargamentong iniho-hold nito. Natural para ‘di na maabala ang mga broker at ‘di masira sa kanilang kliyente ay napipilitan silang magbigay kay Andrew.

Malakas daw ang loob nitong si Andrew dahil pamangkin daw ito ng mga kilalang pulitiko.

Pero mayroon nagbulong sa atin na nakakita sa mga kamag-anak na pulitiko nitong si Andrew sa isang club sa QC na nagbibiyakan daw ng pera.

Saan naman kaya galing ang pera, Kay Andrew kaya?Ano Commissioner Alvarez, takot ka bang sibakin si Andrew?

Nagtatanong lang po!


MGA REKLAMO AT REAKSIYON:

Nakakaawa talaga si Willie Revillame, pinagtutulungan siya at hinahanapan ng butas. Yung iba halata naman nakikisawsaw lang. Mahirap talaga pag-maimpluwensiya ang nakabangga mo -- ED SOTTO ng QC.

Nakakahiya itong si DOJ Sec. De Lima, kanlungin ba naman si Gregorio Mendoza. Bakit sa NBI niya ini-turn-over ang bugok na ito at hindi sa mga pulis, dahil kaya katulong niya ito sa paninira kay Mayor Lim? Director Gatdula, huwag kang pagamit kay De Lima, nakakahiya sa mga kababayan natin sa Cavite. Lahat ng issue sinasakyan niya, mula pa noong Human Rights commissioner siya. -- TOTI M. ng Cavite.

Mas palpak ang gobyerno ni Noynoy sa lahat. Tuloy-tuloy ang taas ng presyo ng lahat ng bilihin, wala  naman siyang ginagawa kundi pulos patawa sa mga speech niya. -- JOSEPH GAN ng Cavite

Gobyerno ni P-Noy walang ginagawa kundi maghiganti. Magtrabaho naman kayo! Mag-iisang taong na kayo sa puwesto, wangwang lang ang napatigil niyo. -- REY GONZALES ng Manila, JOMAR FLORES ng Makati .

Salamat sa text nina ALBERT LAZARO ng Tondo, Manila; BETH CRUZ ng Bulacan, MALOU SANTOS ng QC, ARNEL GO ng Makati, CECILLE MATIAS ng Pampanga, ELEN HERNANDEZ ng Batangas, SALVADOR PELAES ng Marikina, KRISTINE LOPEZ ng Iloilo at FLORENCE FERNANDO ng Parañaque.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC