Related Articles...
We have 4,128 guests online
| Tawak bukambibig na! |
|
|
|
| Monday, 08 February 2010 20:19 |
|
MAHIGIT na sa 3,500 ang online viewers ng Tawak at “still counting.” Bukod dito ay bukambibig na ang suspense sex thriller ni Komiks King at National Artist Carlo J. Caparas. ‘Tawak’ makes raves sa Journal on line. Nagagalak si “2009 National Artist” multi- awarded director Carlo J. Caparas dahil “making raves’ sa Journal on-line ang isa na naman na obra nito na may titulong “Tawak’ na masusubaybayan araw araw sa Journal website:www.journal.com.ph. Bukod sa on-line ay masusubaybayan din ang “Tawak” ni “Komiks King” Carlo J. sa People’s Tonight. Patuloy na dumadami ang viewers ng “Tawak” ni Carlo J. na 2007 Presidential Medal of Merit awardee din sa on line na nagsimula sa mahigit sa 1,500 hits na patunay ng hatak at “mass- based at popular appeal” ng master storyteller sa mga “fans” ng komiks from “all walks of life.” “Exciting” umano ang “Tawak,” kaya sinusubaybayan ito nang husto. Kuwento rin ng “good versus evil” ang “Tawak,” at umiikot ang plot sa “adventure” ng isang anak- ahas, maging ang pagtalakay sa mga napapanahon na isyu kabilang ang climate change. Lubos na nagpapasalamat si Carlo J sa lahat ng mga viewers at “avid fans” ng “Tawak” sa online na nahahalina sa kawili-wili at nakakaaliw na mga kahindik- hindik , at kasabik- sabik na makulay na eksena nito bawat araw. Hindi lamang mga “call center agents” at sa “Business Outsource Processing” (BPO) na bukambibig ang “Tawak” kundi mga propesyunal kabilang ang mga doctor, abogado, enhinyero at halos lahat ng sector sa ating lipunan. Ang “Tawak” ay isa lamang sa humigit kumulang sa 1,000 na nobelang komiks ni Carlo J. na matagumpay na tinangkilik ng mga tao. Ang mga ibang obra ni Carlo J na nabuo bunga ng inspirasyon mula sa kanyang magandang maybahay na si mega producer Donna Villa ay ang: Andres De Saya, Bakekang, Citadel, Gagambino, Joaquin Bordado, Kamandag,. Panday, Pieta, Totoy Bato, Tuklaw, To Love and To Hold at marami pang iba. Marami sa nobelang komiks ni Carlo J. ay ipinalabas bilang mega hit na mga teleserye sa dalawang tv network na GMA 7, at ABS-CBN. Matatandaan din na “Top Grosser” ang “Panday” ni Carlo J. sa nakaraang taon na Metro Manila Film Festival na tinampukan ni Sen. Bong Revilla, at itinanghal din na “Best Picture’ ng naturang festival at napiling Best Actor naman ang senador. Sa katunayan, pasisimulan na ang shooting ng Panday Part 2, ayon sa balita sa “grapevine” sa showbiz. Hindi malayong mapanood din sa hinaharap na mga araw sa “boob tube” o “ silver screen” ang iba pang obra ni Carlo J. katulad ng ‘Tawak.” Maiintriga ka talaga sa “golden couple” sa kanilang “pananahimik,” at bubulaga na lamang ang isang malaking proyekto. Sa katunayan, sisimulan sa mga susunod na araw ang ilan sa mga masterpiece ng “Hari ng Komiks” na mapapanood sa telebisyon katulad ng “Kroko: Takas sa Zoo,” at “Panday Kids.” |
Most Popular Articles
- Richard magnitized on Solenn's beauty ( 785 views )
- Nadine confirm tension at ‘Endless Love’ set ( 705 views )
- I'm not jelous & telltale - Marian ( 527 views )
- Marian insecure to Bela ( 501 views )
- Francine's career shines again ( 406 views )





