Ramona, mas magaling kay GMA


BUMIRADA na naman itong si Justice Sec. Leila de Lima na may nag-text daw sa kanya (sino ba ang magkapagsasabi kung meron nga?) at sinabing kumukuha ng political asylum sa Dominican Republic ang mga Arroyo.

Eh kung i-text ko din kaya siya gamit ang isang de tapon na simcard at sabihin ko na si dating FG ang nagpapatay kay Ramgen Revilla? O kaya kay Ninoy? O kaya kay Rizal?

As secretary of the justice department no less, much is expected from De Lima. Lagyan naman sana niya ng semblance of a legal ground lahat ng ikinikilos niya ’di ’yung ang basis ay suspetsa at walang katorya-toryang text message.

Lilinawin ko lang.  Hindi ako pro-GMA dahil in fact, si P-Noy ang ibinoto ko dahil na rin kay Mayor Fred Lim who happens to be a good, close friend of mine.

Anyway, what bothers me is the fact that Rep. Gloria Arroyo was barred from seeking medical treatment abroad despite the constitutional provision stating that the right to travel “shall” not be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law. 

Kaya nga ‘shall’ ang nakalagay ’di ba, ibig sabihin, obligado kang huwag hadlangan ang karapatan na maglakbay ng kahit sino, unless ang rason eh `yung mga nabanggit which, sa kaso ni GMA, ay hindi naman nagfa-fall sa kahit ano sa kanila.  In short, none of the above.

‘Baka’ daw hindi bumalik si GMA kaya ’di pinayagang umalis.  Eh pano kung ‘baka’ bumalik? Wala namang nakalagay sa Constitution na pupuwede mong pigilan makaalis ang isang tao dahil ‘suspetsa’ mo ay hindi ito babalik dahil ‘balak’ pa lang ninyo itong kasuhan na, in the first place, dapat ay matagal nang ginawa kung talagang seryoso at may sapat na ebidensiya at para ’di na sana umabot sa sitwasyon ngayon.

There is more reason to worry that if this can be done to no less than a former President and now a member of Congress, eh paano pa kaya sa ordinaryong Juan dela Cruz?

What bothers a lot of Filipinos even more is the fact that the government daw will shoulder the expenses para dalhin dito ang espesyalistang kailangan ni GMA.  Anak naman ng hwe. Akala ko naman sila mismo ang gagastos? ‘Yun pala pera ng taumbayan ang gagamitin? Dapat, kung sinuman ang ayaw na paalisin si GMA, sila-sila na lang din ang gumastos sa pamumulitika nila.

Ako kasi as a taxpayer, mas gugustuhin ko pang gamitin ’yung buwis na ibinabayad ko sa pagbili ng gamot para sa buni nung kapitbahay kong squatter kesa gamitin kay GMA na alam naman nating lahat na kayang-kayang gumastos para sa kanyang pagpapagamot.

Mahina din kasi itong mga advisers ni GMA. Nagpapaalam pa kayo at nagtatapat kung saan kayo pupunta.

Kita n‘yo si Ramona Bautista, lumipad nang walang paalam sa gitna ng mga akusasyon na sangkot siya sa pagpatay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ramgen Revilla. Me nagawa ba ang mga taong-gobyerno? ’Di ba wala???                   

* * *

Happy, happy birthday to Tita Josie ‘Lugaw’ Siscar, ang masipag at magaling na konsehal sa ikalimang distrito ng Maynila. Wishing you more birthdays to come…

* * *

Condolence to ret. Maj. Nick Amparo, chief of the Manila City Hall’s city security force.  His brother Geronimo passed away recently due to a heart ailment at the age of 86.  His remains now lie in state at the family residence in Bgy. Bucal, Padre Garcia, Batangas.  Interment will be on Wednesday (November 16) also in Padre Garcia, Batangas City.

* * *

Jokjok (from Mayor Alfredo Lim of Manila) --  Tatay: Anak, bakit ka umiiyak?/Anak: Napanaginipan ko kasi namatay ang tiyahin ko./Tatay: Ang lakas-lakas ng tiyahin mo ’di totoo ’yan. (Kinagabihan, namatay ang tiyahin) /Tatay: Anak, bakit umiiyak ka na naman?/Anak: Kasi napanaginipan ko namatay si lola. (Kinagabihan, namatay si lola)/Tatay: O anak, bakit umiiyak ka na naman?/Anak: Kasi napanaginipan ko namatay daw tatay ko./Tatay (kinabahan): Ano ka ba? Ang lakas-lakas ng katawan ko, ’di mangyayari ’yan./(Kinabukasan) Nanay (malungkot): Sweetheart, nabalitaan mo na ba?/Tatay: Ano ’yun?/Nanay: ’Yung taga-deliver natin ng gatas, namatay  kagabi!!!

* * *

Beauty tip -- Q: How do I take care of my nails?/A: Basic nail care involves three processes -- cleansing, moisturizing and exfoliation.  To strengthen nails and hydrate skin on the hands as well, soak them for five minutes in a warm cup of milk. The lactic acid in milk will exfoliate dead skin from your hands while calcium will give strength to fragile nails. (Source: Dr. RosaryMay Canay-Diaz of the Le Californian Beau Medical Spa/410-8424/450-1388)

* * *

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have                             them emailed to This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or please text 0929-5953737.

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC