3,819 guests

Aberya

NAGKAROON pala ng aberya bago mag-show sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang Expo sa Dubai. Ayon sa manager ni Yan Yan na si Rams David na kasama sa biyahe, ilang oras bago ang show, walang backdrop ang stage at sound system!
   
“Eh, kailangan naming mag-rehearse. Madami kasing performers doon.  Mabuti na lang at magaling itong sina Yan at Dong kaya nakagawa sila ng paraan upang lumabas na maganda ang show!
   
“In fairness naman, natuwa ’yung mga Amerikanong technician na in charge sa sound system so nairaos ang show nila nang maganda!” sabi ni Rams sa amin sa launching ni Yan bilang endorser ng Nailandia and Spa.

* * *

MAHALAGA para kay Marian Rivera ang pagkakaroon ng magandang kuko. Bago nga niya i-endorse ng Nailandia, pumunta muna siya sa shop upang subukan ang foot spa, polish at paglilinis ng kuko.
   
“Nasubukan ko at hindi ko ini-endorse ang isang produkto kung hindi ko gusto. Happy ako kaya looking forward ako na kahit pagod ako sa buong araw, alam ko na kung saan ako tatambay! Doon sa Nailandia!” pagmamalaki ni Marian.
   
Ayon naman sa owner ng shop, naniniwala silang sa pagkuha nila kay Yan Yan, dadami lalo ang customers nila.
   
“Marian Rivera is Marian Rivera! Sino pa po ba ang dapat kuhanin? Marian Rivera po is  ’yun na!  Marian Rivera! Ha! Ha! ha!
   
“I know that when we got her, our sales in all our branches will increase and franchise will dadami. We are so happy with Marian. sa photo shoot, ang galing-galing niya!” rason ng owner.
   
Ang Nailandia nga raw ang siyang gagawa ng nails niya sa kasal. Forty seven days na lang ay Mrs. Dingdong Dantes na siya.
   
“Kung puwede ko lang hatakin ang December 30, hinatak ko na!” saad ng GMA Primetime Queen.
   
Kahit nasukat na niya ang wedding gown, hindi ito nakita ng fiancée.
   
“Ayokong makita niya! Baka gayahin ni Dong, eh! Ha! Ha! Ha!” biro ni Yan.

Ipinagdiinan din ni Marian na wala kahit singko siyang gagastusin sa kasal.
   
“Si Dong ang lahat ng may gastos! Kaya nakakapag-shopping pa ako!” sambit niya.
   
Kahit na nga pagod na pagod sa pagsasabay ng trabaho at pag-aasikaso sa kasal, kumikislot ang puso niya kapag nakakatanggap siya ng bonggang text kay Dong.
   
“Sinasabi nga niya sa akin, ‘Hindi ka ba napapagod? Parang sobra kang loaded sa ginagawa mo?’ Sabi niya, baka naman minsan, gusto mong magpahinga.
   
“Nakakatawa nga siya. May joke nga siya. Sabi niya, ‘Pahinga ka naman ’pag may time. Pero sa pag-ibig, huwag kang magpapahinga!’ Nakakakilig kaya siya! Hinay-hinay lang daw sa trabaho pero sa pag-ibig, okey lang!” pagmamalaki ni Yan sa mga habilin sa kanya ng mapapangasawa.
   
Very proud siya sa mapapangasawa dahil super hands on niya sa bawat detalye ng kasal nila. Pero pagdating sa pagkain sa reception, silang dalawa ang namili.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.