7,691

Sam, inutusan na mag-panty si Rhian!

  • Written by NM
  • Published in Showbiz
  • Read: 709

Ang gandang tingnan nina Kris Aquino at Bimby sa awards night ng People of the Year 2018  kung saan
isa si Kris sa awardees. Si Kris din ang cover  ng December-January (2018)
issue ng magasin. Si Bimby ang escort ni Kris sa awards night na ginawa sa Sofitel Hotel last Monday.

Pink ang favorite color ni Kris, pero sa awards night, yellow gown na gawa ni Roland Mouret
ang suot niya at may rason siya, “PINK has always been my favorite color -- but i wore a yellow gown
tonight because the fact is -- tonight’s recognition happened because KCAP & i did it our way. We had
no choice but to be outliers & disruptors. We had no recourse but to have the courage to take a risk,
and guest what, the AUTHENTICITY is working. And i owe all this to you, the online community that has
welcomed me when tradional broadcast media felt they no longer wanted nor needed me. I shall continue
striving to be worthy of all the opportunities you have generously embraced me with. #lovelovelove.”
    
Kahit may sakit, pinilit ni Kris na dumalo sa awards night.
    
“It was my way of showing all of you that NOT GIVING UP is what makes you a winner.”
    
Sina Babes Romualdez at Joanne Rae Ramirez ang nagbigay ng award kay Kris.
    
Dahil sa pagkakasakit, postponed ang TVC shoot niya for her new endorsements scheduled today,
tomorrow and Friday.
    
Pinost ni Kris ang medicines na tini-take niya para gumaling sa 38.2 fever, ubo at sipon.

* * *

Sa first two episodes ng The One That Got Away, panalo sa pagiging daring sa mga suot at dialogie si
Rhian Ramos.     
    
’Katuwa ang reaction ng Kapuso viewers sa suot niyang silver two-piece swimsuit at short-
shorts.
    
Pati dialogue ni Zoe (Rhian), pinupost at niri-retweet ng viewers.
    
Mukhang patuloy ang pagiging daring at sexy ni Rhian dahil sa latest photos na nakita namin,
inilabas na naman ang kaseksihan sa white two-piece swimsuit na pati sina Lovi Poe, Solenn Heussaff
at Iza Calzado napa-comment.
    
Waiting kami kung magku-comment si Sam YG, na sa black gown na suot ni Rhian, nag-comment ng
“mag-panty ka naman.”
    
Natutuwa ang viewers sa TOTGA at sa mga karakter ng show. May parody account na sa Twitter
sina Zoe (Rhian), Alex (Lovi) at Liam (Dennis Trillo).         Pero kailangang mag-level up sina
Lovi at Max Collins para hindi sila maungusan ni Rhian.