Inilunsad na, ‘Drug-Free Q.C.


SUMUNOD na ang local government ng Quezon City sa Muntinlupa City na nakatakdang magsagawa ng drug test sa mga opisyal nito sa pangunguna ni Mayor Herbert Bautista at bilang official launching ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) Plan of Action ng 2011 na may titulong “Drug-Free Quezon City.”

Sila ay sasailalim sa boluntaryong pagpapa-drug test upang bigyang-suporta ang kampanyang ginagawa ng pamahalaang lokal ng Quezon City laban sa ipinagbabawal na gamot.

Tama si Vice Mayor Joy Belmonte na ang boluntaryong pagpapa-drug test ng mga lokal na opisyal ay isang patunay ng isang tapat at mahusay na kampanya laban sa bawal na droga at masamang epekto nito.

Kasama rin sa drug test ang mga barangay tanod na siyang nangunguna sa pagbabantay ng komunidad at pagre-report ng mga kaso ng iligal na droga at namamahala sa katahimikan ng bawa’t barangay.

Ang mga barangay tanod ay kasamang ipapa-drug test upang makasiguro na sila ay akma sa kanilang gawaing tumupad ng kanilang responsibilidad sa komunidad.  Ngunit ang sino mang magkakaroon ng resultang positibo sa drug test ay tutulungang makapagpagamot sa rehabilitation center.

Nakatutuwa sapagkat naghahanda na rin sila ng pondo upang tumugon sa 12,750 pang mga regular at contractual na empleado ng Quezon City upang makasiguro na ang kanilang serbisyong-lokal ay maayos sa lahat ng aspeto at makapagbibigay ng epektibong serbisyo sa mamamayan ng Quezon City.

Ito na marahil ang sagot ng Quezon City sa aming panawagan sa Dangerous Drugs Board (DDB) na ang mga lokal na munisipalidad o siyudad ang nararapat manguna sa kampanya laban sa bawal na droga sa kanilang komunidad.

Una nating naisulat ang Muntinlupa City sa kanilang ginawang aksyon laban sa bawal na droga noong Marso at labis nating ikinatuwa ito sapagkat isang malaking patunay kung gaano kaseryoso ang lokal nilang pamahalaan na malinis ang problema ng droga sa kanilang opisina.

Noong nakaraang linggo lamang, si Vice Mayor Belen Fernandez naman ng Dagupan ang personal na pumunta sa aking tanggapan upang ang DDB ay magsagawa ng seminar sa kanyang lugar. Kung kaya’t ang DDB team ay babalik sa Dagupan sa susunod na linggo para tumulong sa kanyang anti-drug advocacy para sa Dagupan.

Kung katulad nina Vice Mayor Belen Fernandez ng Dagupan, Mayor San Pedro ng Muntinlupa, Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ang ating mga lider sa bawa’t bayan, siguradong mababawasan ang problema ng droga sa Pilipinas!

Mantakin mo kung lahat ng punong-bayan sa bawa’t probinsya sa buong bansa ay magkakaroon ng solidong kampanya laban sa bawal na droga, hindi na siguro makukuha pa ng mga tulak-droga na mangumbida ng ating kabataan upang tumikim at malulong sa droga!

Hindi na dadami ang magiging pasyente sa loob ng mga rehabilitation centers at mga nabubuwang dahil sa epekto ng bawal na gamot. Mas magiging ligtas ang mga kalye kung uuwi ka ng gabi dahil hindi ka na makakakita ng adik sa kalye!

’Di ba ang gandang pangitain nu’n? Mapayapang pamayanan na ligtas sa krimen at droga!

* * *

Hindi lahat ng miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay may iisang posisyon sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill.

Ito ang inihayag ni Pampanga Archbishop Paciano Aniceto, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life.

Paliwanag ni Aniceto sa ilang paring pabor sa RH Bill, maaaring naging “misguided” lamang daw ang mga karamihan sa Katoliko o ’di kaya ay kapos lamang sa kaalaman sa nilalaman ng nasabing panukala.

Ngunit ako po ay naniniwala na mas mayroong malawak na kaalaman ang mga paring pumapabor sa RH Bill at mas bukas ang kanilang mga kaisipan at pananaw sa buhay kaya’t pabor silang maisabatas ang House Bill 5043 o mas kilalang RH Bill.

Ako ay naniniwala na malaki ang maitutulong ng RH Bill sa pagsugpo sa patuloy nating suliranin ng pagtaas ng populasyon at kahirapan.

Tulad na lamang nitong isang pamilya na mayroong 10 sunud-sunod na mga anak na ang ama ay nakakulong at ang ina ay walang trabaho. Sila ay nakatira sa isang maliit na entresuwelo at doon nagsisiksikan sa pagtulog sa pamamagitan ng double-deck na tulugan!

Siguradong hindi magiging masarap ang tulog nila sapagkat mahirap matulog kung kumukulo sa gutom ang tiyan! Maaaring kumakain nga sila ngunit hindi regular at hindi husto dahil sa kanilang dami.

Sa 10 nasabing mga anak, dalawa dito ay nauutusan ng kapit-bahay kaya’t nabibigyan ng konting pagkain ngunit ganun pa man,  hindi pa rin sila makapag-aaral na siyang pinaka-importante upang magkaroon ng kaunting pagbabago ang kanilang kinabukasan!

Hindi na sila magkakaroon ng pagkakataong maiba ang kanilang kinabukasan dahil sa kakapusan! At ang problemang ito sa pagtaas ng populasyon ay parang hindi nakikita ng ating Simbahang Katoliko.

Pagdating ng araw, saan pupulutin ang mga batang ito? Hindi ba’t sila rin ang mga kabataang magsisilaki na kumakalat sa kalye upang humanap ng pangkain? Ang mga batang ginagawang tulak ng bawal na droga? Mga munting magnanakaw o pulubi na hawak ng sindikato?

May mga naitulong o maitutulong ba ang simbahan sa suliranin ng kahirapan ng pamilyang Pilipino? Ako ay nagtatanong lamang dahil sa kabila kasi ng lumolobo nating populasyon at mga dumaraming maralita ay tila wala naman tayong nakikitang tulong, aksyon o programa mula sa ating mga simbahan.

Maaaring mayroon silang programa para sa mahihirap para sa bawa’t Parokya lamang ngunit iyon ay hindi makasasapat upang makabawas sa dami ng naghihirap nating kababayan sa kasalukuyan na patuloy pa ring dumarami dahil sa ’di mapigil na pag-aanak!

Hindi ipinagbabawal ng batas ang magtabi at gumawa ng mga ritwal ang mga mag-asawa ngunit ang hinihinging suporta ng panukalang-batas na ito ay maging responsable lamang sa mga aksyong gagawin na maaaring magdamay ng mga inosenteng buhay kung hindi mag-iingat. Dito sa aspetong ito pumapasok ang RH Bill at hindi para kumitil ng buhay na sinasabi ng ilang kaparian!

Hindi rin natin mailalayo sa suliranin ng kahirapan ang problema ng ipinagbabawal na gamot dahil kailangang kumapit sa patalim ang mga magulang o miyembro ng pamilya na kadalasan ay humahantong sa pagtutulak ng droga para lamang may pangtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Tunay ngang kaakibat ng kahirapan ang problema sa droga.  Kung inyong mapapansin, kalimitan ay nagkalat ang mga nagtutulak at gumagamit ng droga sa mga mahihirap nating komunidad.

Kung masusugpo natin ang problema ng kahirapan kagaya ng “unemployment” maaaring unti-unti na rin nating mabawasan ang mga nagtutulak at nagkakalat ng salot na droga sa ating bansa. Kung may marangal na trabaho o hanapbuhay kasi ang ating mga kababayan mas malamang na hindi na ito mag-iisip na magtulak at gumamit ng droga.

Ang issue ng RH bill ay hindi tungkol sa pananampalataya o relihiyon. Ito ay tungkol sa karapatan, kalusugan at kaunlaran ng bawat Pilipino at ng ating bansa.

Kaya’t  obligasyon ng ating gobyerno na gumawa ng mga programa at batas na makatutulong sa bansa upang mabigyang lunas ang suliranin natin sa kahirapan. At karapatan at obligasyon din ng gobyerno na mabigyan ng tamang edukasyon ang bawat pamilya sa tamang pamamaraan ng family planning.

* * *

Makikita natin na unti-unti nang gumaganda ang pamamalakad ni Commissioner Angelito Alvarez sa Bureau of Customs. Madalas kasi itong nakakahuli ng mga undervalued at misdeclared na kargamento, kagaya na lamang sa nahuli nila nitong nakaraang linggo na 10 container vans na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P31 milyon.

Idagdag pa natin dito ang mga kasong isinampa nila laban sa mga malalaking kompanya na nag-iimport ng langis, palm oil at iba pang “highly taxable goods.”

Ngunit may mga balita rin tayong nasagap mula sa ating mga asset na may mga tao raw na nakapaligid kay komisyoner ang walang pakialam sa kanyang kampanya sa “matuwid na daan.”

Ang mga tao kasing ito ang pumipigil sa mga kargamento para makatara pa rin at kumita! Kaya’t ito rin ang mga taong sumisira sa mga magagandang naumpisahan ni komisyoner!

Sa aking palagay, sila ang dapat mong bantayan, komisyoner! Sila ang mga datihang matitinik diyan sa loob ng BOC na dapat mo nang sipain!

Kung kinakailangan nga ay dapat siyang bumuo ng isang “independent” na grupo na hindi kasama o kasapakat sa mga grupo ng “matitinik” diyan sa loob ng BOC para masiguro na walang sisinuhin at walang sasantuhin na taga-BOC kapag may pina-imbestigahan siya.

Kaya lang baka sa tagal ng imbestigasyon ay maging dahilan na madagdagan pa rin ang tara! Dapat siguro, me mata ka sa likod, komisyoner! Para hindi maikakaila sa iyo ang ginagawa ng mga “matitinik” diyan!

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )

Sports

All-Pinoy tilt: A blockbuster

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 45
By : Zean Macamay

THE bold move by the Philippine Basketball Association to schedule a single-game per day in the semi-finals paid off. The PBA yesterday bared that it has earned an astounding P39 million from ticket sales in the recently-concluded Philippine Cup, representing a 3-percent rise from the same conference last season. “This... Read more

Giants are big again

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 20
By : People's Journal

INDIANAPOLIS —Eli Manning engineered the last-minute touchdown to give New York the lead, then started celebrating as Tom Brady’s desperation pass hit the ground in the last act of the Super Bowl. After guiding the New York Giants to a 21-17 victory over Brady’s New England Patriots on Sunday night,... Read more

Bad judging: A case study

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 67
By : Thomas Hauser (Sweet Science)

I don’t know Ruben Garcia. He might be a very nice man. I do know that Garcia was in the wrong place at the wrong time on Saturday night. More specifically, Garcia was sitting in a judge’s chair scoring the fight between Nonito Donaire and Wilfredo Vazquez Jr. It wasn’t... Read more

For a breakthrough feat, Pagunsan gets PSA nod

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 22
By : People's Journal

FOR his breakthrough feat in last year’s Asian Tour, golfer Juvic Pagunsan will be bestowed the Presidential Achievement Award by the Philippine Sportswriters Association (PSA) when it holds its Annual Awards Night next month at the Manila Hotel. Pagunsan, 33, was the unanimous choice for the honor by the country’s... Read more

PH cagers crush Malaysians

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 29
By : People's Journal

Game Sunday (Singapore Indoor Stadium)7 p.m. – Jobstreet.com Singapore vs AirAsia PH PatriotsDiminutive Al Vergara came off the bench to help power the AirAsia Philippine Patriots to an 86-72 win over the Westports Malaysia Dragons for their third straight win in the AirAsia ASEAN Basketball League last night at the... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC