Bumagay ang kantang (Where do I Begin) A Love Story na ni-record ni Gary Valenciano para
maging theme song ng In the Name of Love na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Jake Cuenca at Aga Muhlach.
Napakaganda ng rendition ni Gary V at mapi-feel mo that he was singing from his heart and soul.
Kuwento ng misis at manager ni Mr. Pure Energy na si Angeli Pangilinan, sa U.S. pa ni-record ng asawa ang nasabing kanta nang magbakasyon sila sa Orlando, Florida, nu’ng Holy Week.
Naroroon daw kasi ang ina ni Gary at dinalaw nilang mag-anak.
Nang nasa Orlando na sila, bigla silang sinabihan ng Star Cinema na kailangan nang i-record ni Gary ang kanta kaya naghagilap agad si Angeli ng recording studio.
Sa KDS Studio sa Orlando nag-record si Gary at napakaganda namang lumabas ng kanta.
Matatandaang parating si Gary ang kumakanta ng theme song ng movies ni Aga sa Star Cinema at nire-request daw ito mismo ng aktor.
Samantala, nagsimula nang mag-showing ang In the Name of Love kahapon matapos ang very successful red-carpet premiere night last Tuesday, May 10, sa SM Megamall.
Napakaganda ng pelikula, sa totoo lang. The cast gave a brilliant performance, lalo na nga si Aga.
Ang galing-galing niya sa confrontation scene nila ni Angel kung saan ay sinabi ng aktres ang mga linyang “hindi kita iniwan, Emman, mas pinili ko lang ang mamatay para mabuhay ka.”
At si Angel, ngayon lang namin siya nakita na ganu’n kagaling. Nailabas talaga ni Direk Olive Lamasan ang husay niya bilang aktres.
Must-see movie ang In the Name of Love and so far, ito na yata ang pinakamagandang pelikulang napanood namin after a very long while.
* * *
Dream wedding ni Melai Cantiveros na ikasal sa simbahan na may paikot o spiral na hagdan at du’n daw siya aakyat.
“Habang naglalakad ako, kumakanta ako ng I Finally Found Someone tapos, nandu’n si Jayson (Francisco, her boyfriend) sa taas o kung sinumang mapapangasawa ko,” say ni Melai.
Pero wala pa naman daw sa isip niya ang magpakasal dahil bata pa siya. Kumbaga, kapag napag-uusapan lang daw ang dream wedding, ’yun ang gusto niya.
Ang dream honeymoon naman daw niya ay sa New Zealand.
“Nakikita ko kasi siya sa picture dati, gusto ko ’yung puro baka,” say niya.
Niyayaya na ba siya ni Jayson?
“Hindi, oy!” mabilis niyang sagot.
Napag-uusapan lang daw minsan, pero mga biru-biro lang at wala pang seryoso.
Priority daw nila pareho sa ngayon ang kani-kanilang pamilya dahil pareho raw silang breadwinner.
Natanong namin kay Melai kung na-insecure ba siya sa pagpasok ni Pokwang sa Happy Yippee Yehey since nakukumpara nga siya sa komedyana.
Ayon kay Melai, sobrang overwhelmed siya na sinasabing siya ang successor ni Pokwang at sobrang saya siya na makasama ito sa isang noontime show bukod sa gag show nilang Banana Split.
Hindi ba siya nape-pressure?
“Hindi naman, kasi iba naman si Ate Pokey, iba naman ako. At saka, komedyante naman siya talaga, ako naman, parang nadisgrasya lang na komedyante. “At saka si Ate Pokey naman, marunong siya talagang gumawa ng mga ganyan. Kaya hindi naman ako na-pressure,” super bilis na sabi ni Melai na halos hindi na namin maintindihan.
* * *
Kasalukuyang nagsu-shooting pa rin sina Sam Milby at KC Concepcion ng pelikula sa Bukidnon under Star Cinema mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at ikinulong sila roon nang walang uwian para makapag-concentrate sa kanilang role.
Forever and A Day ang working title ng pelikula at adventure-seeker ang role nina Sam at KC na magkaiba ang dahilan kaya napadpad sa Bukidnon, pero anak-mayaman at mayabang ang aktor na maiiba ang pananaw sa buhay dahil sa babaing mahal niya.
In between shootings, naghahanda rin si Sam sa kanyang birthday concert na gaganapin sa Zirkoh, T. Morato ngayong Sabado, May 14, na tiyak na ikatutuwa ng mga Sam-Toni follower dahil guest ng heartthrob si Toni Gonzaga.
Matagal nang hindi nagkakasama sa isang concert sina Sam and Toni, ngayon lang ulit, kaya naman sobrang excited ang aktor na sinuportahan ng babaing dati niyang minahal ang kanyang birthday concert.
Titled Samthing Special na produced ng katotong Reggee Bonoan, guest din ni Sam sa concert sina K-La, Krissel at Angeline Quinto.
Sponsors are Dermablend Papaya Orange soap and Backroom, Inc., minor sponsors naman ang Glutamax, Mang Inasal, BodaVentura Designs, Cruven Auto Specialist, Golden Wine Yellow Tail, Al’s Cookie Jar, Grepalife at Today’s Water.
Para sa tickets, maaaring pumunta sa lahat ng SM Ticketnet, Zirkoh T. Morato (376-7287) o tumawag sa 0917-4398587.
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 32
By : Gerry N. Ramos
If things fall according to plan, the newly-crowned World Boxing Organization super-bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. will meet Jorge Arce of Mexico by the middle of the year. Cameron Dunkin, manager of the 29-year-old, California-based Filipino, confirmed that an agreement has already been reached with the camp of Arce, the... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 23
By : Theodore P. Jurado
Games Saturday (FilOil Flying V Arena)9 a.m. - ADMU vs UE (men)10:30 a.m. - DLSU vs UP (men)2 p.m. - FEU vs UE (women)3:30 p.m. - AdU vs UST (women) LA SALLE is dead-set to complete a rare 14-game sweep in the UAAP women’s volleyball tournament. The mighty Lady Archers... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 49
By : Zean Macamay
Games Tomorrow (Araneta Coliseum)5:15 p.m. – Alaska vs. Barako Bull7:30 p.m. – Meralco vs. B-MegDEFENDING champion Talk ‘N Text may have the local roster depth, and so are B-Meg, Petron and perhaps, Ginebra. But success in the PBA Commissioner’s Cup will still boil down to which ball club has the... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 14
By : People's Journal
Oakland, CA - Kevin Durant scored 33 points and made the go- ahead jumper with 14.2 seconds remaining, as the NBA-leading Oklahoma City Thunder got past Monta Ellis and the Golden State Warriors, 119-116. Durant also pulled down 10 rebounds and dished out seven assists for the Thunder, who... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 16
By : People's Journal
PRODUCING four world champions and the first Filipino to qualify in the London Olympics, there was no doubting Philippine sports in 2011 belonged to both billiards and boxing. World no. 1 player Dennis Orcollo, and the tandem of Rubilen Amit and the great Efren `Bata’ Reyes kept the pool flame... Read more