Hindi pa rin ipinapa-interview ng GMA Artist Center si Rhian Ramos, pero hindi raw nagtatago ang dalaga. Hindi namin alam kung ang pamilya ni Rhian o ang GMAAC ang kumuha kay Atty. Lorna Kapunan para maging spokesperson ng aktres at sumagot sa mga tanong ng press tungkol sa nangyari sa kanila ni Mo Twister.
Pero mukhang humupa na ang interes ng tao sa Rhian-Mo issue at iingay lang uli ito ’pag may nagsalita sa isa sa dalawa.
Hindi rin pala sinabi kung paano makakausap si Atty. Kapunan at kung puwede siyang lumabas sa mga TV show.
* * *
Nabasa namin ang tweet ni Pia Magalona na dinukot ang Blackberry phones nina Saab at Arkin at ang iPhone ni Elmo after the Justin Bieber concert.
Sabi ni Saab, na-mob si Elmo at tiyak na kabilang sa lumapit sa kanila ay mga kawatan.
Pina-block na ni Pia sa Globe ang mga nawalang phones at malaking perwisyo ito sa mga bata.
Na-report pala ng TMZ na sumuka si Justin Bieber sa stay niya sa Manila, kaya siguro one hour lang ang concert.
Nag-tweet ito before the concert ng “Sick as a dog… but the show must go on.”
May chest infection na ito bago dumating dito.
* * *
Maganda ang plano ni Vic del Rosario kay Ara Mina na balik-Viva na, bibigyan niya ito ng magagandang pelikula at hindi itatali sa iisang network para free na nakalalabas sa ibang network, although sa TV5 ito mapapanood sa Utol Kong Hoodlum.
Hindi sinagot ni Boss Vic at ni Ara ang tanong ng press kung magku-co-host ba ang aktres sa Will Time Big Time ni Willie Revillame sa Sabado. Naalala ni Boss Vic na 30th anniversary ng Viva sa November at gusto niyang gumawa ng big movie bilang anniversary presentation.
Ito na kaya ang pelikulang pagsasamahan nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo at Judy Ann Santos?
Hindi nagbigay ng detalye si Ara sa offer ng Viva, ang sabi lang, offer na hindi siya nakatanggi ang ibinigay kaya bumalik siya at pumirma ng five-year contract.
* * *
Kasama si Andrea Torres sa cast ng Blusang Itim bilang si Alison na tutulong kay Jessa (Kylie Padilla) na maging model.
Bukas pa siya magti-taping at dahil excited, tiyak daw na maaga siya sa set para na rin mas makilala ang mga kasama at si Direk Jay Altarejos.
Malaking bagay kay Andrea ang mapasama sa soap dahil bata pa, gusto nang umarte at kahit nagho-host, pag-arte pa rin ang gusto.
Kamukha ni Ciara Sotto si Andrea at nagkataong ang mister ni Ciara na si Jojo Oconer ang kanyang manager.
Sabi pala ni Direk Jay, second wholesome project niya ito sa GMA-7, kaya pati ang kumanta ng theme song, ang XLR8, wholesome rin.
Mas pinalawak daw nila ang backstory ng Blusang Itim, in-update at mas hinimay para maiba sa movie.
* * *
Sa I Heart You Pare, ipa-pacify ni Tonette (Iza Calzado) si Kenneth (Dingdong Dantes) para makalimutan ang problema.
Biglang nawala ang binata after makipagkita kay Nikki (Luane Dy).
Pumunta sa Club Love si Nikki at sa pag-uusap nila ni Tonette, sasabihin nitong nagkabalikan na sila ni Kenneth na ikinagulat ng huli.
Inamin na rin daw ni Kenneth kay Nikki ang lahat sa kanila ni Tonette na nagpapanggap lang silang may relasyon.
* * *
Sa Magic Palayok, ipinaliwanag ni Jude (Geoff Eigenmann) kay Pilar (Carla Abellana) kung bakit kailangan nilang magmadaling magpakasal. Naintindihan ni Pilar na para kay Cookie ang gagawin nila, kaya papayag siyang pakasal kay Jude.
Dadalawin nina Palayok at Sandok si Cookie at nag-offer ng tulong ang magkapatid na itakas ang bata, tumanggi ito dahil baka lalong maipit si Jude.
After ng kasal nina Jude at Pilar, diretso sila sa hearing at todo acting si Yvonne (Cherie Gil), hanggang sisigaw si Cookie na sinasaktan siya ng tiyahin.
* * *
Sa Captain Barbell, tanggap na ni Nero (Christopher de Leon) na hindi nila matatalo si Captain Barbell, kaya iisa-isahin niyang patayin ang members ng Liga ng Kalayaan.
Mas matinding training sa mga kasama sa Liga, na pinangungunahan ni Captain Barbell, ang ginagawa.
Sinimulan na ng Puwersa ng Kadiliman ang muli nilang paghahasik ng lagim.
Mabubulabog ang TV station kung saan nagtatrabaho sina Hekki at Janna dahil dudukutin sila ng Puwersa para gawing pain kay Captain Barbell.
* * *
Sa Workshop for Life episode ng Full Time Moms, magsi-share ng tips sina Pinay supermodel Marina Benipayo, Mayton Eugenio, Sef Cadayona at Joanne Quintas kung anong right workshop ang ginawa nila para maging successful sa trabaho.
Sina Christine Jacob-Sandejas at Suzi Entrata-Abrera ang hosts ng Full Time Moms na napapanood sa GMA News TV, 5 p.m., Monday to Friday.
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 43
Two Calabarzon teams clashed for the gold medal in the wheelchair basketball tournament of the 1st PSC-Philspada National Games that officially closed at the Marikina Sports Park in Marikina City last Monday. Calabarzon-Tahanang Walang Hagdanan relied on an 11-0 run bridging the second and third periods to pull away for... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 84
By : People's Tonight
Games today: (Aquinas gym) 5 p.m. -- UST-Ironcon vs. JRU6:30 p.m. -- Wang’s Ballclub vs. SkyforceIT will be UAAP vs. NCAA all over again as defending champion University of Santo Tomas-Ironcon Builders and Jose Rizal University dispute the solo lead in the MBL Invitational Cup basketball championship at the Aquinas... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 37
A banner field of 90 teams from all over the country will see action in the Little League Baseball Philippine Series scheduled April 8-16 at the Clark Freeport Zone parade grounds in Angeles City, Pampanga. “Thanks to the support Clark Development Corp. (CDC), we will have a huge number... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 40
By : People's Tonight
TWO Calabarzon teams clashed for the gold medal in the wheelchair basketball tournament of the first PSC-Philspada National Games that officially closed at the Marikina Sports Park in Marikina City last Monday. Calabarzon-Tahanang Walang Hagdan relied on an 11-0 run bridging the second and third periods to pull away for... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 28
SCOTTSDALE, Ariz.—For the second straight week, a PGA Tour event ended with Kyle Stanley in tears. This time, they were tears of joy. Taking advantage of Spencer Levin’s final-round meltdown, Stanley rebounded from a devastating loss at Torrey Pines to win the Phoenix Open on Sunday, overcoming an eight-stroke deficit... Read more