6,486 guests

Noveleta nag-mangrove tree-planting

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 98

PINANGUNAHAN ng lokal na pamahalaan ng Noveleta, sa pamumuno ni Mayor Dino Reyes Chua, at ABC Federation President Emelito Lontoc, at mga kawani ng Department of Agriculture (DA) ng Region 4A, municipal agriculture office at mga volunteers ang pagtatanim ng mangrove sa Bgy. San Rafael IV, kamakalawa.

Mahigit isang libong mangrove seedlings ang naitanim sa putikang bahagi ng Noveleta.
   
Hinikayat din ng lokal na pamahalaan na mag-volunteer ang sinuman na magtanim ng bakawan sa nasabing barangay upang manumbalik ang mga migratory birds sa lugar na kanilang nagiging tahanan.