6,429 guests

New Year’s wish ni Julia: Mahalin siya ng tao!

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 605

TIYAK mauunawaan ni Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto kung hindi nito napagbigyan ang hiling niyang magkita-kita sila ng mga kapatid nito noong araw ng Pasko. 

Mula yata nang maghiwalay sina Dennis at Marjorie Barretto, mother ni Julia, ’di na niya nakikita ng madalas ang mga anak. Lalo’t magkakasama.
   
Super busy these days si Julia, since nag-open nga noong araw mismo ng Pasko ang Metro Manila Filmfest entry ng Star Cinema na Vince & Kath & James na idinirek ni Thedoro Borobol and co-stars her with Joshua Garcia at Ronnie Alonte.
   
Bale ba, may sinimulan din kaagad si Julia na bagong series, A Love To Last, which will reunite her with Ronnie bilang ka-loveteam at kung saan makakasama pa rin niya sina Bea Alonzo, Iza Calzado at Ian Veneracion.
   
New Year’s wish nga pala ni Julia is for people to take and love her for what she is.

* * *

Nagkasakit nga pala si Manila Mayor Joseph Estrada na diumano’y si-yang bumuo ng plano kung paano idaraos ang taunang Parade of Stars na siyang nagse-serve sa opening salvo ng taunang Metro Manila Filmfest.
   
Pneumonia daw ang naging sakit ni Mayor Erap.
   
He is up and about daw now. In fact, sa kanilang bahay na sa Greenhills in San Juan siya nagdiwang ng Pasko.
   
Inaasahang totally recovered na siya when the New Year comes.
   
Malaki ang papel ni Mayor Erap sa taunang MMFF, since it was because of him na ang filmfest na sinimulan ng dating Manila mayor na si Antonio Villegas, requiring all theaters to exhibit only Tagalog films in celebration of Araw Ng Maynila in June, ay na-extend sa buong Metro Manila.
     
It was because of him, too, that the film even became a yearly celebration in December nang hiniling niya ito sa dating MMDA chair, the former First Lady Imelda Marcos.
     
Please take a bow, Mayor Erap.

* * *

Dapat pala umuwi ng Ohio, USA si Sam Milby for Christmas and New Year so he can celebrate both special occasions with his family who are all residing there.
   
But as he is busy daw with his taping for his series Doble Kara, co-starring him with Julia Montes who plays a dual role, he decided na lang not to leave.
     
Besides, first time din niya to celebrate both occasions with his non showbiz girlfriend Mari Jazmine.