8,013 guests

4.5 lindol tumama sa Samar

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Provincial
  • Read: 103

NIYANIG ng malakas na lindol ang Eastern Samar kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, alas-5:39 ng umaga kahapon nang maramdaman ang 4.5 magnitude na lindol na ang sentro ay naitala  sa may 19 kilometro ng hilagang silangan ng San Policarpo, Eastern Samar.
   
Tectonic ang origin ng lindol at 4 kilometro ang lalim sa lupa, ayon sa Phivolcs.
   
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol na Intensity 4 sa San Policarpio, Eastern Samar at Intensity 3 sa Oras, Eastern Samar
   
Walang inaasahang aftershocks at wala ring naitalang damage sa panig ng mga tao at mga ari-arian sa nabanggit na mga lugar.