6,356 guests

Baron: I do not take drugs

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 325

Nagpaliwanag si Baron Geisler sa panayam niya sa Rated K ni Korina Sanchez aired last Sunday kung bakit nagawa niyang ihian si Ping Medina habang ginagawa nila ang isang eksena sa indie film na Bubog.

Ang eksplanasyon ng aktor ay ginamit lang daw niya ang kanyang creative and artistic side sa eksena dahil nakita raw niyang bagay sa kanyang karakter kung gagawin niya ’yun.
   
Sinabi niya kay Ping na may gagawin siya pero hindi na raw niya nasabi kung ano ito. Pati sa direktor na si Arlyn dela Cruz ay nagsabi siyang may gagawin siya at ang sabi sa kanya ay gawin na lang daw without knowing din kung ano ito.
   
Of course ay hindi tinanggap ni Ping ang rason na ito ni Baron.
   
“Kalokohan ’yun,” say ni Ping sa panayam niya sa nasabi ring programa. “’Pag ganu’n kasi, dapat, sasabihin mo kung ano mismo ’yung gagawin mo. Ipapaalam mo mismo sa direktor. Kasi ’yung direktor ang lider sa set. Siya magde-desisyon kung pwede mong gawin.”
   
Say ni Baron, he was in character that time at ganu’n daw siya kasi ka-passionate sa kanyang trabaho. Pero inaamin naman niyang mali siya at humihingi siya ng sorry sa pagkakamaling ito.
   
Sa nasabi ring panayam ay kinumpirma ng aktor na bumalik na siya sa kanyang pag-inom pero hindi naman daw intense as before. At kung pagdu-droga naman ang pag-uusapan, ayon kay Baron ay he’s not into drugs.
   
“Me being high? No, I do not take drugs. Anytime na ipa-drug test n’yo ko, I am 100 percent sure na clean,” pahayag ng aktor.

* * *

Walang problema kay Dominic Roque kung mas bida pa sa kanya si Ronnie Alonte sa pelikulang Seklusyon gayung mas nauna naman siya rito na mag-artista at mas may pangalan din.
   
“Okay lang naman, kasi nu’ng in-offer naman sa amin ito, parang may sari-sarili naman kaming gagawin,” paliwanag ni Dominic nang makatsikahan namin sa presscon ng nasabing Erik Matti film at official entry to the 42nd Metro Manila Film Festival starting on Dec. 25.
   
“May mga sari-sarili kaming highlight sa pelikula,” dagdag pa niya.
   
Kung tutuusin ay isa rin naman sa bida si Dominic along with Ronnie, John Vic de Guzman and JR Versales.
   
Sa umpisa pa lang naman daw ay alam niyang mas angat ang role ni Ronnie.
   
“Kahit noong una pa lang, nakita namin nu’ng nagwu-workshop kami at nu’ng nagi-script-reading kami, nababasa ko naman at nakikita ko na mas angat ang role ni Ronnie. Pero ’yun nga po, may mga sari-sarili kaming highlight sa pelikula.
   
“Actually, kung mapapanood n’yo po siguro next year ’yung international copy, ’yung isa sa highlights naman talaga ng movie is ’yung eksenang ginawa ko talaga. Kahit sa akin, ’yun po yata ’yung pinakamalala na nagawa ko sa pag-arte,” pahayag ni Dominic.
   
Ang sinasabing highlight ng young actor ay ang pagpapakita niya ng puwet na first time niyang ginawa pero mukhang mapuputol pa ito sa local version kung sakaling hindi maaprubahan ng MTRCB.
   
Kung sakaling hindi naman maaprubahan ay sa international version daw makikita ang nasabing maselang eksena.
   
Sa Seklusyon na by the way ay kaisa-isang horror film sa MMFF ay ginagampanan ni Dominic ang isa sa mga deacon or diakono na ipinadala sa isang seclusion house para mapaglabanan ang tukso ng dyablo. Kung magagawa ba nilang labanan ito, ’yan ang dapat nating panoorin.             (VINIA VIVAR)