5,149 guests

Ang pagsasampa ng ‘replevin’

  • Written by Atty. Persida Rueda-Acosta
  • Published in Opinion
  • Read: 214

Say mo Attorney?

Kgg. na Chief Acosta,

NAGMAMANEHO po ako ng motorsiklo at nabangga ako ng isang kotse. Dumating ang mga pulis at kinuha ang aking motorsiklo upang i-impound at gagamitin daw na ebidensya. Hanggang ngayon ay hindi pa nila ito naisasauli sa akin dahil hindi pa raw natatapos ang kanilang imbestigaysyon. May nakapagsabi sa akin na maaari akong magsampa ng kaso laban sa nakabangga sa akin, subalit nais kong malaman kung ano ang maaari kong gawin upang mabawi ang aking motorsiklo mula sa mga pulis?

Lubos na gumagalang,

Ireneo

Dear Ireneo,

Ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sections 1 and 2, Rule 60 ng Rules of Civil Procedures, patungkol sa ‘replevin’ o ang pagbawi ng isang personal property, kung saan nakasaad ang sumusunod:
   
Section 1. Application. --- A party praying for the recovery of possession of personal property may, at the commencement of the action or at any time before answer, apply for an order for the delivery of such property to him, in the manner hereinafter provided.
   
Section 2. Affidavit and bond. -- The applicant must show by his own affidavit or that of some other person who personally knows the facts:
   
(a) That the applicant is the owner of the property claimed, particularly describing it, or is entitled to the possession thereof;
   
(b) That the property is wrongfully detained by the adverse party, alleging the cause of detention thereof according to the best of his knowledge, information, and belief;
   
(c) That the property has not been distrained or taken for a tax assessment or a fine pursuant to law, or seized under a writ of execution or preliminary attachment, or otherwise placed under custodia legis, or if so seized, that it is exempt from such seizure or custody; and
   
(d) The actual market value of the property.
   
The applicant must also give a bond, executed to the adverse party in double the value of the property as stated in the affidavit aforementioned, for the return of the property to the adverse party if such return be adjudged, and for the payment to the adverse party of such sum as he may recover from the applicant in the action.
   
Malinaw sa mga nabanggit sa itaas na ma­aaring mabawi ang possession sa isang personal o movable property kung ang aplikante ay ma­kapaghahain sa korte ng isang affidavit at bond.
   
Ang affidavit o salaysay na kanyang gagawin ay kailangan naglalaman ng mga sumusunod:
   
Una, ang aplikante ay ang may-ari o may karapatan sa isang property na nakalahad nang ma­buti.
   
Pangalawa, ang property ay wrongfully detained ng inyong kalaban.
   
Pangatlo, walang pagbabawal sang-ayon sa batas na makuha ang property.
   
Panghuli, nakalahad ang actual market value ng nasabing property. Samantala, kinakailangan din na magbigay ang aplikante ng isang bond  sa korte na doble sa halaga ng property na nakasaad sa inyong salaysay. 
   
Sa inyong sitwasyon, maaari kayong magsampa ng ‘replevin’ kasabay ng pagsampa ng kaso laban sa nakabangga sa inyo, upang mabawi ang inyong motorsiklo.
   
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
   
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
   
Ang inyong Ling­kod Bayan,
   
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA

Punong Manananggol Pambayan

Paunawa:
   
Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: (02)426-2075, (02)­426-2801, (02)426-2450, (02)426-2987, (02)426-2683, o (02)929-9436 local 106 o 107 during office hours at local 159 after office hours.
   
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng legal advice, court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maa­aring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.